CHAPTER 7 -UNKNOWN CALLER

101 7 2
                                    

Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Kai'Ree kumakain at nag kwekwentuhan ng mga walang kwentang bagay. Bakit ko nasabing walang kwenta? Kasi itong bestfriend ko puro mga lalaki nalang iyong lumalabas sa bibig niya. Iyang babaeng iyan walang lalaking gwapo ang hindi nakakalusot sa paningin niya. At ang pinaka matindi alam niya ang lahat ng information sa crush niya. Dakilang stalker tong bestfriend ko eh, may future na siya.

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

"Sis, baka naman may balak ka ng sagutin iyang phone mo, ang ingay kasi eh."

"Unknown number eh, baka napag diskitahan lang ako o kaya naman walang magawa sa buhay o kaya naman nagsasayang ng load."

Hindi kasi ako mahilig sumagot ng calls na hindi naka register sa mobile phone ko, kung sasagutin ko naman ang tawag, ibibigay ko sa kasama ko ang phone para siya iyong sumagot. haha. Pero minsan napipilitan akong sumagot kapag tawag na ng tawag ang unknown caller. 

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

"Baka kasi importante iyan. Wag ka ng maarte."

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

"Sagutin mo na kasi nakakadisturbo na. Kung hindi itatapon ko iyang phone mo. "

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

"Fine."

*Ring* *Ring**Ring**Ring*

"Hello? Sino po sila?"

"Hello?"

"Last chance mo na ito. Kung ayaw mo ito sagutin iba--."

["T-teka *huk* wag mo muna *huk*  ibaba iyong phone."*huk*]

"Mali ata iyong natawagan mo miss."

["H-hindi. *huk*  Grabe ka *huk* Yuu, h-hindi mo na ako *huk* nabobosesan. Ako to si *huk*  Avery.]

"BES! Loka ka bakit ngayon ka lang nagparamdam. Miss ka na namin. Teka bakit umiiyak ka? Anyare sayo?" Tingnan mo 'to hindi sinagot iyong tanong ko.

["May klase *huk* pa ba kayo *huk*  ngayon?" *huk*]

"Wala na. Bakit?"

["Please fetch me *huk* at the airport. *huk*  Maghihintay ako."]

"Ha? Bakit ka umuw---"

*toot* *toot* *toot* *toot*

"Ayyyyy inend ang call. Kaloka."

"Anong sabi ni Avery sis? Bakit inend agad ang call? Busy ba siya?"

"Sis, nandito na ulit sa Pinas si Rai, papasundo raw siya sa airport ngayon."

"Talaga? Yey, sama-sama na ulit tayo. Excited na ako makita ulit si Rai."

"Pero sis, may problema ata siya ngayon eh. Umiiyak kasi siya."

"Ha? Ano naman kaya problema nun? Bilisan nalang natin baka kasi mag ngangangawa na iyon sa airport."

Pagdating namin sa airport agad namin hinanap si Rai. Super nag-aalala na talaga kami sa kanya kasi baka napano na siya.

Halos isang oras na kaming naghahanap, pero no sign of her. Kaya napagpasyahan namin ni Kai'Ree na maghiwalay sa paghahanap ng sa ganun mas marami kaming mapuntahan na possible place na pwedeng pag tambayan ni Rai.

Nasaan na kaya iyong babaeng iyon? Kaya napagpasyahan kung tawagan si Rai pero sa kasamaang palad nalowbat ako.

"URRRRGGGGHHHH. Bakit nakalimutan niyang sabihin kung saan namin siya makikita. Nakakainis."

Napaupo nalang ako sa semento. Lumabas kasi ako sa airport eh, malay mo nandito si bes.

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat eh ang maghanap. Nakakapagod eh, para kaming naglalaro ng hide and seek.

Napalingon nalang ako mula sa kinauupuan ko kasi may babaeng umiiyak. Ang weird naman nito. Nakasuot kasi siya ng wedding gown atsaka naka dye iyong hair niya, color red.

Gusto ko sana siyang i.comfort pero baka kasi sabihin niya na ang pakialamera ko. Pero kawawa kasi siya eh, ayoko pa naman sa ganitong scene. Hayy bahala na nga.

"Ahmm miss, hindi ko alam iyong pinaghuhugutan mo pero I can lend you my shoulder for you to cry on. Ang hirap kasi umiyak mag.isa eh, lalo na kapag walang dumadamay sa iyo."

"Hindi ka pa rin nagbabago Yuu, madali ka pa ring maawa sa kapwa mo." She said while smiling bitterly.

O_O < ---- me

"R-Rai?" Pinisil pisil ko iyong mukha niya tapos kinurot ko iyong pisngi ko. Hindi kasi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya eh. Para siyang ginahasa kasi iyong make up niya is a total disaster ng dahil sa pag iyak niya.

"RAI!!!! Ikaw nga iyan Rai. Alam mo ba kanina ka pa namin hinahanap ni Kai'Ree. Bakit naka wedding gown ka? Bakit ka umiiyak? Akala ko ba sa Paris ka magtatapos ng pag.aaral? Bakit naman biglang nagbago ang desisyon mo? May problema ka ba?"

"Hey! Isa-isa lang ng tanong pwde?"

"Sorry. Kasi naguguluhan ako eh at the same time nag-aalala rin ako sa iyo. Hindi ka kasi iyong tipo ng babae na pa bago-bago  ng isip. Ano ba kasing nangyari?"

"Kasi s----."

"OH MY GOD! Si Kai'Ree."

"Huh? Napano si Kai'Ree."

 "Napagkasunduan kasi namin na magkita kami sa waiting area after 30 minutes."

"Let's go, baka naghihintay na si Kai'Ree."

**********

"OHHH MY GOD!!! RAAAAIIIIIIII. KUMUSTA KA NA GIRL? I MISS YOU."

"Pwde ba sis huwag kang sumigaw, huwag ka masyadong hyper. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao uh."

"Pakialam nila eh sa masaya ako eh. Psh"

"Haha. Hindi pa rin kayo nagbabago. I miss you girls." Sabay yakap niya sa amin.

Chains of Love and Destiny [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon