Chapter 3: Simone and Channary

23.5K 833 475
                                    

A/N: Magandang Umaga! Wag na magtanong bakit may update, ganun talaga pag gumana utak.

----

Channary

Naiinis ako.

Isang linggo na matapos ang pag uusap namin ni Salirah sa Parking at isang linggo niya na din akong ginugulo at sinusundan.

She even made me her assistant sa subject na handle niya samin. Taga dala ng gamit at taga check ng quizzes.

Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil Prof ko siya at student niya lang ako.

"Pwede bang wag mo akong titigan." I sternly uttered while keeping my gaze at the paper I'm checking. Nandito ako sa office niya dahil mag ccheck ulit ako ng quiz kanina.

At kanina niya pa din ako tinititigan. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko.

"Sorry can't help it. Na miss kita eh." She casually said. I mentally rolled my eyes dahil napaka komportable niya palagi sa pagsasabing namiss niya ako.

"The feeling is not mutual. Your presence annoys me, so stop staring." I blankly uttered.

"Ang harsh mo naman, Riri. Parang walang pinagsamahan ah." Rinig ko ang mahina niyang pagtawa pero alam kong hindi talaga yan masaya. I know every meaning of her every laugh.

"Stop bringing up the past. Nakaraan na yon, Sam." Doon lang ako nag angat ng tingin para sulyapan siya.

She's still staring at me like she's afraid that I might vanished if she'll look away.

Longing.

The most visible emotion that's reflecting on her orbs. The orbs that possess the power of hypnotizing me and the power to speak with my soul. The same orbs that made me fell for her, too damn hard.

"Kung ayaw mo ibalik ang nakaraan, liligawan nalang kita para magkaroon tayo ng kinabukasan." Nakangising saad niya.

Lakas ng loob parang hindi nang iwan.

"Tapos iiwan mo ulit? No thanks." Sarkastikong sagot ko.

"Hindi naman kita iniwan." May malungkot na ngiting gumuhit sa labi niya matapos sabihin ang mga salitang yon.

"Eh anong ginawa mo? Nakipag hide-and-seek ng tatlong taon?"

Pero sa halip na sumagot ay tumayo lang siya sa swivel chair niya at lumapit sa akin.

She sat beside me, leaving atleast a foot of distance between us.

"Is this what you wanted to see the last time we talked?" Bigla ay pinakita niya sakin ang kaliwa niyang kamay.

Muling bumalik ang alaala ng pagkabigla ko pagkakita sa bagay na nasa palasingsingan niya.

A band tattoo hiding under the ring that I gave her years ago.

Walang salitang hinawakan ko ang kamay niya at ininspeksyon ang tattoo sa palasingsingan niya.

It's a ring-like tattoo encircling her left ring finger. Pinakatitigan ko ito at tinitigan ng mabuti.

It's different.

"Why do you have a tattoo?" Kunwari ay wala lang na tanong ko matapos bitawan ang kamay niya kahit ang totoo ay nakahinga ako ng maluwag.

It's not what we thought it is. Thankfully.

"It looks cool. And remember? We made a promise of getting a ring band tattoo together. Sadly, only I fulfilled the promise." Nag iwas ako ng tingin matapo niya yong sabihin. Bigla nalang kasing lumungkot ang mukha niya. Parang kasalanan ko pang iniwan niya ako ah.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now