Chapter 8: Dreams

16.8K 689 314
                                    

A/N: Mga 35-40 chapters lang din tong CYB. HOY na ata ang pinakamahabang story ko. Yon lang. Enjoy! Magandang Umaga pala!

---

Channary

"Channary Lopez!" Kagat kagat ang pandesal na binili ko sa kanto ay mabilis ang ginagawa kong pagtakbo dahil hinahabol ako ng babaeng hinindian ko last week.

Akala ko hindi ko na siya makikita kaya naman todo tanggi ang ginawa ko noon sa kanya.

Pero shutangina! Hindi ko alam na anak pala siya ng may ari ng panaderya, isang kanto ang layo mula sa tinitigilan namin.

Naghanap kasi ang pandesal para sa almusal kaya naisip kong lakarin nalang para bumili, na hindi ko dapat pala ginawa dahil hindi ko naman alam na mangyayari 'to.

"Lopez! Stop running! Kausapin mo ako! Sabi mo pupunta kang States kaya hindi ka na makakapasok? Tapos nandito ka pala!" Sigaw niya ulit habang hinahabol ako.

Ang dinahilan ko kasi sa kanya ay isang buwan kaming nasa States dahil may family matters kaming aayusin.

Pucha naman, Chan! Mga pato mo nagkalat!

"Wag mo na akong habulin! Hindi ako si Channary Lopez!" Ganting sigaw ko at nakalimutan kong may subo akong pandesal kaya nalaglag yon.

Napahinto pa ako ng bahagya at naluluhang nakatingin sa kawawang tinapay na nahulog sa lupa.

My precious pandesal! May cheese at ham pa naman yon sa loob!

"Ahhh! Mamamatay pandesal!" Sigaw ko sa babaeng humahabol sakin bago muling tumakbo.

Sakto na tatawid ako at medyo maraming dadaang sasakyan kaya nakakuha ako ng pagkakataon na makatakas sa babaeng mamamatay pandesal.

Hinihingal na lumiko ako sa kanto para bumalik sa tinutuluyan namin habang hawak hawak ang brown na supot ng pandesal.

"Tangena! Hooo!" Nakahawak ako sa dibdib ko habang paulit ulit na humihinga ng malalim. Trained naman kami na magtagal ng ilang minuto kakatakbo pero iba yung kaba ko kanina mga pre!

Nakakatakot manghabol ang mga babae na kinukulit ako. Parang ikukulong nila ako sa isang bodega kapag nahuli nila ako.

"Kawawa yung baby pandesal ko!" Naiiyak na tiningnan ko ang loob ng supot at binilang ang laman non.

39 nalang sila!

"Channy! San ka nanggaling?" Mula sa pagkakatingin sa pandesal ay nag angat ako ng tingin sa sumigaw na si Clea.

Kasama niya sina Salirah, Simone, at yung duo.

Groupings yan?

"Yung pandesal ko." Nakangusong saad ko habang nakaturo sa daan na pinanggalingan ko.

"Ha? Anong nangyari? Bakit pawisan ka?" Nakalapit na sila sa harap ko at mataman akong tinitingnan.

"Yung pandesal ko. Pinatay noong pato." Shuta! Patayin na nila lahat wag lang pandesal!

Hindi ko alam kung bakit pero napakahilig ko sa pandesal. Ang sarap kaya.

"Sinong pato?" Tanong ni Simone sabay dukot sa upot na hawak ko.

"Hoy!" Nanlalaki ang mata at nanghihilakbot na nakatingin ako habang kinakagatan niya yung tinapay.

"Mag LBM ka sa dami niyan, Chan. Mamigay ka." Sabat ni Clea bago hinablot ang supot sa kamay ko at sinenyasan sina Simone na sumunod sa kanya.

Nakatitig lang ako sa papalayo nilang pigura.

"P-pandesal... may ham yun eh tsaka cheese.." Pabulong na saad ko.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now