Chapter 16: Red Card

17.5K 665 333
                                    

A/N: Morning Good!

---

Channary

"What time is your game, Ri?" Mula sa pagkagat ng chicken ay nag angat ako ng tingin kay Sam.

Bahagya pa siyang natawa sa itsura ko at walang pasabing pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Such a kid." Natatawang sambit niya.

Ay pakshet!

Ramdam ko ang pag iinit ng mga tenga ko pati na ang karambola sa loob ng ribcage ko. Bakit naman kasi ganon, Sam? Ang rupok niyo talaga!

Nilunok ko muna ang nginunguya ko at tumikhim bago sumagot.

"A-ahh, 3 pm."

Yung puso ko nagwawala na naman. Parang tanga lang.

"Mmhhkay. Mamaya pa pala." Tumango tango pa siya bago kumagat sa chicken na hawak niya.

Alam niyo na ang nangyayari? Syempre, libre pa lunch ulit ni Sam my love. Charot mga one half.

Kahapon kasi matapos yung bigla kong pagyakap sa kanya ay maghapon lang kami dito sa office niya.

Ginawa niya akong bata. As in, pinatulog niya ako dito. Kulang nalang ihele ako nito eh.

Buti na nga lang hindi siya nag usisa kung anong problema. Hindi naman chismosa si Sam.

"Manonood ka?" Tanong ko.

Noong first year college ako nakapanood na siya ng mga laro ko dito sa MU. Graduate na siya noon.

Feeling ko nga may nakakaalala kay Sam dito na mga kaklase ko noon dahil wala yang palya sa panonood ng games namin.

Pero bigla siyang nawala noong second year hanggang last year kaya baka hindi na din nila namukhaan.

Mas lalo kasing gumanda si Sam. Nagmature yung itsura niya pero hindi ko talaga matanggap na pumayat siya.

But damn that jawline, nakaka shjsbshsdjdks.

"Yup, I missed watching you play." I missed you, watching me play. Shouting my name everytime I'll take a goal.

"Dala ka Gatorade Mommy Sam." Walang hiyang sambit ko na nakapag patigil sa pagkagat niya sa pagkain niya.

Turn ko naman matawa dahil nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

"M-mommy?! Hoy, Riri maging asawa mo ang gusto ko hindi maging nanay!" Napahagalpak na talaga ako dahil don.

Siya naman may sabing pwede ko siyang gawing sugar mommy diba? Natatandaan niyo? May memory gap na ata si Sam.

"Gatorade." Tanging sambit ko pero siya ay nanatiling masama ang pagkakatingin sa akin.

Hayaan mo kung anong iniisip niya, medyo naslow siya don.

"Flavor?" Mas lumakas tuloy ang tawa ko dahil kahit nakasimangot, nagawa niya pa magtanong ng flavor.

"Yung red." Malawak ang ngiting sabi ko. Doon lang unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya at bahagya na ding napangiti.

Wala 'tong si Miss Montes, kasing rupok niyo.

~

Nasa akin ang bola at kasalukuyang binabantayan ako ni Ate Chendra, yung sinasabi kong kapatid ni Clea.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now