Chapter 41: Last Page

14.4K 542 181
                                    

A/N: Wala sanang papatay sa akin.

---

Salirah

"Ailana, mag iingat ka sa flight mo." Nakangiting mukha ni Tito ang sumalubong sa akin matapos kong sumaglit sa CR nitong airport.

Kanina ay si Ciana lang at si Simone ang nandito para ihatid ako, hindi ko naman inaasahan na pati si Tito ay dadating pala para ihatid ako.

"Tito, akala ko busy kayo." Nakangiting sambit ko bago halikan ang kanyang pisnge.

"Wala na ang salitang busy sa akin, Ailana. Kapag kailangan ng mga anak ko, palagi na akong available. I consider you as my daughter too, because of her." Ang malawak na ngiting kanina ay pinapaskil ko ay unti unting lumiliit.

I miss her.

It's been a year since the Marquez's incident. Ang mga pangyayari noong panahon na iyon ay sariwa sa alaala ko. Sinong makakalimot doon? Wala. Kahit kailan ata ay hindi ko na iyon malilimutan.

"Thank you, Tito." Tanging nasagot ko na lamang. Babyahe pa naman ako, bawal malungkot.

"Sabi ni Ate Chendra, sorry daw dahil hindi siya makawala sa kadate niya." Biglang usal ni Ciana habang natatawang nakatingin sa screen ng cellphone. Maging kami tuloy ay napatawa na.

Kawawang Chendra, mukhang kinukulit na naman ng manliligaw niya. Simula nang ipakilala si Chendra bilang Lopez, mas lalong naging matunog ang pangalan niya.

Her life story became the talk of the town. Parang pang MMK pa nga daw eh. Ayaw ba nila ng Magpakaylanman?

Si Tito Clio, nakulong. Life sentence. Ang dami niya palang illegal na gawain at lahat yon ay naibulgar ni Chendra. Kaya pala siya laging busy, nangangalap siya ng ibidensya at mga witness.

Si Clea? Sadly, she died. Simone shot her, sa ulo. Alam naming lahat na masakit yon para kay Simone dahil mga kaibigan niya ang nasaktan at nawala sa kanya.

Siya yung nandon sa mga oras na iyon. Siya ang kasama nila.

Simone even undergone therapy.

But if it weren't for Simone, Ciana would be dead too. Mabuti nalang at kahit na bulok na sperm ito, like what she always says, ay palaban naman. Pati mga doctor nagtaka kung paano pa siya nabuhay eh.

"Sabihin mo nalang na magchat sa akin kung anong gusto niyang pasalubong." Natatawang biro ko na tinanguhan naman ni Ciana bago nagtipa sa hawak.

Ang bilis nila magkasundo sundo. Siguro dahil sabik din si Chendra sa mga kapatid niya, siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapalagay ang loob ng mga ito sa kanya.

"Mag enjoy ka don, Sam." Mula sa pagkakatingin kina Tito ay nagbaling ako ng atensyon kay Simone na nakangiti sa akin nang malawak.

Para naman kasi akong bata sa ginagawa nila. Mag eenjoy naman talaga ako eh. Kahit hindi na nila sabihin, I'll spoil myself throughout this vacation.

"I will, thank you Sims." Sagot ko at ginantihan ang ngiting iginawad niya.

Nagkwentuhan pa kami nang kaonti bago namin marinig ang pagtawag sa flight ko papuntang Netherlands.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now