Special Chapter - Charianah

13.5K 415 125
                                    

Channary

"Go now, Riri! Run." I heard Sam hissed from the communication device that I'm wearing.

Agad agad naman akong umalis sa pinagtataguan ko at mabilis ngunit may pag iingat na tinahak ang daang kanina ay dinaanan ko rin papasok sa building na ito.

Mahigpit ang kapit sa bag na dala dala, muli kong pinasok ang vent na kanina ay dinaanan ko.

Jusko, ilang vent na ba ang pinasok ko sa buong panahon ng pagtatrabaho ko sa EXE? Pwede na akong tawaging vent girl.

Mabuti nalang maganda ako. Anong connect sa pagpasok ko sa vent? Wala, gusto ko lang ipaalala sa inyo dahil baka nakakalimutan niyo na.

"How many more minutes, love?" Bahagyang hinihingal na tanong ko.

Yes po, opo. Magkasama kami ng aking asawa sa mission.

And yes po, opo. Asawa. Yiehhhhhh! Di kayo invited sa kasal kasi balita ko magbabalot kayo ng shanghai. Charot.

Seryoso na. Yes, mag asawa na kami ni Mameh Sam ko. Pinikot niya kasi ako. Sinamantala niya ang kahinaan ko kaya wala akong nagawa noong itali niya ako para lang mapakasalan.

Hindi naman sa sinasabi kong baliw na baliw si Sam sa akin, pero parang ganun na nga. Confirmed naman na baliw siya sa akin dahil sa loob ng limang taon naming pagiging mag asawa ay yummy pa din ang tingin niya sa akin.

That's me lang naman mga mare, kaya kumalma kayo. Ako lang ito, si Riri na si Sam lang ang kakalampagin.

"Ten minutes, love." Napangiti naman ako nang marinig ang sinabi niya.

My God. Ang easy naman kasi ng mission na ito kaya hindi manlang ako pinagpawisan. Pero joke lang. Tumatanda na yata ako dahil hinihingal na ako agad.

Kapag sexy time naman kinakaya ko kahit 24 hours pa. Non-stop, parang Christmas song medley.

"I'm out." I proudly announced the moment my feet landed on the grassland located behind the building.

"Good. Now, go home dahil nagluluto pa ako ng dinner. I'll turn my mic off, Riri. Umuwi ka na at wag nang siside line sa mga babae mo." Mula sa pag kakangiti ay napangiwi na lang ako sa litanya ni Sam.

Yep, mag isa akong nagpunta dito habang si Sam ay nasa bahay namin while guiding me. Bakit? Secret walang clue. Close ba tayo para ishare ko sa inyo?

"Yes boss!" Napatawa na lang ako matapos sabihin yon dahil nag salute pa ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"And oh, mission accomplished." Was the last thing I heard before she turned her device off.

Naiiling na naglakad na lang ako sa mapunong parte ng likod nitong building para umuwi. Nandon kasi ang motor ko.

Hays, nakakamiss din si Simone sa mga ganitong pagkakataon.

~

"Love, I'm home." May kalakasang sambit ko matapos hubarin ang suot na sapatos.

Pagod na ang katawang lupa ko. Halos dalawang oras din kasi ang naging briefing na nangyari matapos kong dalahin sa EXE ang files na nakuha ko kanina. Ang dami kasing kwento ni Ciana, tungkol lang naman sa pusa niyang nakikipag date daw sa aso ng kapitbahay.

Hindi naman daw siya tutol sa pag iibigan ng dalawa, pero sana naman daw ay pumili ng may breed ang kanyang alaga. Hindi ko din naman talaga maisip kung bakit pinayagan ni Daddy na sumali sa EXE ang batang iyon.

Well, yes she's smart but she's too childish.

Pati ba naman love story ng butiki sa kisame ng kwarto niya, kinukwento niya sa amin.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now