Chapter 11: Sun

16.5K 632 191
                                    

Channary

"Channy!"

Isang nagbabantang tingin ang ipinukol ko kay Clea ng akmang dadambahin niya na naman ako. Ilang araw din siyang missing in action at himalang nandito na ulit siya.

"Buhay ka pa pala." Nakataas ang isang kilay na saad ni Simone.

Clea rolled her eyes at Simone then gave me wide smile.

"Ofcourse I'm still alive! Duh, pag magandang babae hindi agad namamatay."

"Masamang damo ka lang talaga." Pahaging ni Simone na mas ikinasama ng pagmumukha ni Clea.

Maganda sana si Clea kaso panget siya sa paningin ko.

"Anong gagawin natin ngayon? Prelims nila today at exempted tayo." Dahil sa pagiging bida bida namin ay naligtas kami sa kapahamakan ng Preliminary exams.

Minsan may magandang dulot din ang pagiging bida bida.

"Pupuntahan ko si Miss Col dahil ginawa niya akong assistant niya. Jusko, kasalanan mo to Channary!" Nakabusangot ang mukha na tinuro ako ni Simone.

Nagkibit balikat lang ako na parang walang ginawang masama.

Ako kasi nagsuggest kay Miss na si Simone nalang since assistant nga ako ni Sam. Mga prof dito may office na nga may pa student assistant pa.

Pero maganda na din na laging malapit si Salirah sakin dahil nababantayan ko ang kilos niya. I've been trying to find something about her unusual behaviors. Masyadong malakas ang pakiramdam niya.

Pero may part sa loob ko na nakokonsensya dahil pinaghihinalaan ko siya.

Sorry lods, trabaho lang.

"Pupunta ulit ako sa office ni Sam." Kaswal na saad ko habang naglalakad kami patungo sa office ng mga prof.

Pumasok lang talaga kami ngayon para magliwaliw. Pwede naman kaming umabsent dahil wala nga kaming exam na itatake pero ang boring kaya sa bahay. Mag isa lang ako sa condo at ayoko naman umuwi sa bahay ng tatay ko dahil nandon ang mga aswang niyang asawa.

"Ako? Wala akong pupuntahan. Mga pakshet kayo, pumasok lang pala ako para mag isa!" Angil ni Clea na tinawanan lang ni Simone.

Ako ay tahimik lang na kumuha ng lollipop sa bulsa at binalatan bago isubo.

"Una na ako ah. Chat nalang kayo." Paalam ko sa kanila ng matanaw ang office ng babaeng kabute.

Nasa may dulo pa kasi ang kay Miss Col.

Si Clea? Bahala na siya sa buhay niya. Kaya na niya sarili niya.

"Sam.." Kumatok lang ako ng isang beses bago pinihit ang doorknob.

"Sa--" Natigil ang pagtawag ko sa pangalan niya ng mabungaran ang nakasubsob niyang pigura sa table.

Knock out!

Dahan dahan kong sinarado ang pinto bago lumapit sa kanya. Pinatong ko muna ang bag ko sa couch. Hindi maman yon mabigat dahil ballpen lang laman non. Props lang.

Lumigid ako sa table niya at hindi ko alam kung bakit dumukwang ako para matingnan ng ayos ang natutulog niyang mukha.

Bakit kahit pumayat siya ang ganda niya pa din?

Sam, just wait okay? I'm just readying myself to listen to your explanation. Soon, let's talk about the 'us' you are always talking about.

Ilang minuto din ata akong nakatitig sa kanya bago narealize na nakangiti na pala ako habang pinapanood siyang natutulog.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now