Chapter 10: Orbs

15.9K 652 428
                                    

A/N: Timeskip mga 10 years HAHAHA char. Good Morning!

---

Channary

Two weeks.

Dalawang linggo ng umiiwas si Salirah sa akin matapos ang nangyari noong may sakit siya.

Kinabukasan ay bigla kaming tinawagan ni Pres. Ferrer para sabihin na mababawasan ng one week ang binigay niyang oras sa amin.

Puyat tuloy kami ng isang linggo dahil sa pagtapos sa design.

At dapat ngayon palang kami babalik sa school pero dahil sa biglaang pangyayari ay isang linggo na ulit kaming pumapasok.

While Sam? Naiwan siya sa site.

Anong nangyari after ko makita ang bakas ng dugo sa kumot niya? Tumakbo ako palabas para kumuha ng medkit sa kwarto ko pero pagbalik ko ay naka lock na ang pinto ni Sam. Mabuti sana kung doorknob lang yung nakalock pero may double locks sa loob lahat ng pinto doon at pati yon ay nakasara.

Ilang oras din akong kumatok sa pinto niya pero hindi niya talaga ako pinagbuksan.

Hindi ko alam kung saang dugo ba yon. May posibilidad na tagos lang yon kasi nasa may bandang ano eh.

Pero iba ang kutob ko.

"Ayoko na!" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang sumigaw si Simone sa tabi ko habang hawak hawak ang lecture notes niya.

"Sshhh. Silence!" Agad humingi ng paumanhin si Simone dahil nasa library kami! Abnormal.

"Bibig mo naman Sims." Bulong ko matapos nag iwas ng tingin sa librarian na ubod ng sungit, samang sama naman.

"Pasensya na lods. Walang pumapasok sa utak ko! Siguradong ako na naman trip ni Miss Col mamaya!" Kitang kita ang panlulumo sa mukha ni Simone habang sinasabi yon.

Natawa nalang ako dahil simula noong bumalik kami ay bumalik din ang pagdudusa niya sa kamay ni Miss Col.

"Ligawan mo na kasi. Nagpapapansin yon sayo." Natatawang bulong ko. Pero si Simone ay tiningnan lang ako ng masama.

"Ah pag may nagpapapansin sayo dapat ligawan? Edi ligawan mo lahat ng pato mo." Kung kanina nakabusangot mukha niya, ngayon nang aasar na siya.

Inirapan ko lang siya bago isubo ang lollipop na tinanggalan ko ng balat.

"Hoy, Chan. Bawal kumain dito." Sita niya sa akin ng makita ang ginawa ko.

Nginisian ko lang siya at tinaas ang librong hawak ko para matakpan ang mukha ko.

"Hindi porket bawal susuko ka na humanap ng paraan para maging pwede." Kaswal na bulong ko habang nagbabasa.

"Ang dami mong alam, Channary." Bulong niya bago muling bumalik sa pagbabasa ng lectures.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa maramdaman ko ang pagvvibrate ng cellphone ko sa lamesa.

Agad ko itong kinuha at napataas ang kilay ko ng makitang may notification ng friend request si Salirah sakin.

Salirah Ailana Montes sent you a friend request.

Matapos umiwas ng dalawang linggo babalik ulit? Parang laging nakikipag patintero.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now