Chapter 4: EXE

21.9K 754 335
                                    

A/N: Kakapanood ko 'to ng SciFi movies. Anyway, Good morning!

---

Channary

"Bakit mukhang wala kayong tulog dalawa? Kayo tuloy pinuro ni Miss Col sa discussion kanina." Sabay kaming napabuntong hininga ni Simone dahil sa sinabi ni Clea.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa library dahil may kailangan kaming hiramin na book.

Kanina kasi sa subject ni Miss Col, kaming dalawa ni Simone ang tinawag niya ng tinawag. Nahalata niya siguro na tumitirik na ang mata namin sa pagpipigil ng antok.

Inabot kasi kami ng alas tres sa ginawa namin kagabi.

"Don't tell me nakipag one night stand na naman kayo?" Clea hissed. Hindi nalang kami sumagot ni Simone at hinayaan nalang si Clea na isipin kung anong gusto niyang isipin.

Pagod na pagod ang katawan at utak ko. Ang layo din ng pinanggalingan namin kagabi ni Simone.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nag ala 007 ako kagabi? Well ganito kasi yan.

Simone and I are part of a private/secret organization that reveals politicians dirty secrets. Pano kami napunta dito? Because my father is a retired general of the army and is the head of the organization. It's under the jurisdiction of the NBI, a hidden branch.

Yung Underground? It's a semi-legal, semi-illegal brotherhood. Simone and I were deployed to gather informations about the Underground. Mag tatlong taon na din kaming mole doon pero hindi padin kami nahuhuli. Medyo bobo mga member eh.

May hinahanap kaming organization na muntik ng pumatay sa tatay ko at sa amin ng mga kapatid ko. The same organization na bumaril sa Mommy ko.

Ang isa pang dahilan kung bakit pumayag akong sumali don ay dahil madaling makakuha ng information ang members. I joined because I was too damn persistent in finding where Salirah went three years ago.

Finding her was my main reason. Sadly, wala din akong nakuha. Tapos bigla nalang siyang susulpot na parang kabute.

Naipit lang ako sa sitwasyon sa bandang huli.

"Tsk. Pag kayo nag ka AIDS at HIV bahala kayo ah." Dagdag pa ni Clea.

Napailing nalang ako dahil sa mga negative thoughts niya.

"Okay lang yan, Clea. In love, aids doesn't matter as long as you hiv a genuine heart." Rinig ko nag mahinang whatever ni Clea dahil sa sinabi ni Simone. Wala kasing kwenta yung banat niya.

"May training tayo mamaya, Chan. Kakachat lang ni Coach." Lihim akong napamura dahil mamaya din ang family dinner namin.

Ibig sabihin lang na diretso dinner ako pagtapos ng training.

I need rest! Shutangina!

"Mamamatay na ata ako." Madramang bulong ko bago sumubsob sa lamesa dito sa library. Si Clea nalang ang nag hahanap ng book na kailangan namin habang naka subsob kaming dalawa ni Simone dito.

"Same. Bakit kasi taga - Visayas yung natripan ibigay satin ng tatay mo." Tama, sa Visayas pa kami pumunta kagabi gamit ang private jet ng EXE.

"Ewan ko din sa panot na yon. Kung hindi lang siya nakakatakot, baka tumiwalag na ako don." Tatlong piraso nalang ata ang buhok ng tatay ko sa tuktok, para siyang si Sanmao. Yung cartoons.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now