Chapter 5: Engineer Montes

21.4K 715 325
                                    

A/N: Good morning!

---

Channary

"Guys! Announcement! Yung proposed design ng block natin last year ang napili para gamitin sa itatayong Foundation ng M.U." Pagkapasok na pagkapasok palang ng dakilang presidente namin ay megaphone na bibig niya na agad ang umarangkada.

Nagpalakpakan na may kasamang sigawan ang lahat dahil sa announcement niya. Bakit? Dahil pinag tulong tulungan namin ang design na yon para sa Foundation na tatanggap sa mga batang nakaranas ng karahasan at mga bagay na hindi dapat nila naranasan sa murang edad.

It's an initiative proposed by the granddaughter of the University, which is Cyane Ferrer. Hindi namin alam kung bakit naisip niya yon pero lahat ay willing makiisa sa programang naisip niya. Ang alam ko ay ipapa auction niya yung painting na naging center piece ng isang exhibit noong third year siya, lahat ng makukuha niya don ay ilalaan sa foundation.

"Ang tatlong main contributor sa design ng facility ay sasama sa head engineer sa location ng pagtatayuan until the end of October. Tapos meron pa daw isasamang dalawang students sa kabilang section." Biglang kumunot ang noo ko ng idagdag niya yon. Edi halos buong Prelims kaming mawawala?

"Hala, kasali tayo don diba?" Bulong ni Clea sa tabi ko. Oo tama kasali kami. Bida bida kasi kaming tatlo nina Simone kaya kami nag lead sa brainstorming.

"Pano yun? Edi mahuhuli tayo sa klase? Graduating pa naman ang dami nating reqs at plates." Kamot batok na dagdag ni Simone.

"Channary Lopez, Cassandra Simone Agquil, and Cleandria Marquez, kayong tatlo yung binanggit na pangalan. Wag kayo mag alala dahil exempted kayo sa Prelims sabi ni Pres. Ferrer." Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa sinabi niya, pero sobrang haba naman ng araw na mawawala kami.

"Sinong Head Engineer ba yung kasama namin?" Nagtaas pa talaga ng kamay si Simone na akala mo eh sumasagot sa recitation.

"Si Miss Montes. Engineer Salirah Montes." Damn. Why is the world so cruel?!

~

"Nakalimutan ko talaga na Engineering nga pala ang tinapos ni Salirah." Umiiling iling pa na saad ni Simone habang naglalakad sa tabi ko. Yun nga isa kong ikinapagtataka. Sa Archi. Dept. siya nagturo kahit pwede naman sa Eng. Dept.

Naalala ko tuloy kung bakit Architecture ang kinuha kong course.

'We'll be a great duo someday, Riri. A talented Architect and her hot Engineer.'

Ipinilig ko ang ulo ko ng maalala ang sinabi niyang yon. She's invading my thoughts again.

Kakatapos lang ng second class namin kung saan inannounce yung kahindik hindik na announcement about sa lagpas isang buwan na pagkawala namin sa school.

Mabuti nalang at dito lang din sa NCR itatayo ang facility kaya hindi kami mahihirapan ni Simone kung may kailangan kaming gawin na importante. Pinayagan din kami mag training sa soccer team dahil hapon naman yung training at maghapon naman kami sa facility.

Ano bang kailangan namin gawin don? Hindi ko magets minsan utak ni Pres. Ferrer.

"Bakit kasi kailangan ganun katagal tayo kasama? Nasa design na naman lahat ng kailangan nila malaman ah." Nagmamaktol na ani ni Clea.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now