Chapter 20: Always

14.7K 646 328
                                    

A/N: I'm back! Good morning.

P.S. Mention any name that is not a character I made or any story that isn't mine, I'll mute you. Nakakawala ng gana yung mga comparison na ginagawa ng ibang pasaway. Yun lang, bawi next life.

---

Channary

"Kailan tatanggalin binti-- este semento ng paa mo, Chan?" Isang matalim na tingin ang pinukol ko kay Simone matapos sabihin 'yon. Trip na trip niya talaga ang binti kong may pilay.

Sa loob ng halos apat na linggo kong may saklay, araw araw niyang pinapaalala na gusto niyang putulin ang binti ko para daw idisplay sa bahay niya.

Gago talaga. Isusumbong ko siya sa misis ko. HAHAHAHA misis, rupokpok na naman kayo.

"Monday next week. Absent nga ako." Kaswal na sagot ko matapos siyang bigyan ng isang nakamamatay na irap.

"Sasamahan ka ni Sam?" Isang iling ang isinagot ko. Gusto niyang sumama pero pinilit ko na wag nalang. Si Ciana nalang ang isasama ko. At saka hindi naman ako tatakbo palayo after mawala ang pabigat sa binti ko no.

Ngayon pa ba na kalat na sa University na may relasyon kaming dalawa. Yung si Joson the Pato kasi, pinagkalat niya. Akala naman niya makakasama yun sa amin, hindi niya alam bet na bet ko.

Wala na kasing pato ang lumalapit sa akin ulit matapos yung issue. Nakakuha na din kami ng consent form kay President Ferrer.

Pero ang lakas ng loob namin panindigan ang chismis kahit na wala pa naman muling kami. M.U. pa lang mag ex version, malanding ugnayan, mutual under-si-Sam. Siyempre alangan ako ang under, duh.

But I've already planned everything. After my appointment on Monday, I'll finally talk to Sam. Comeback na 'to. Mauunahan pa namin yung apat na nag world tour pero magkakaibang bansa ang pinuntahan.

Kapag umayaw siya, itatali ko siya. Balik siya ng balik tapos tatanggihan niya ako? Aba, baka gusto niyang halikan ko siya hanggang sa pumayag siya.

Though I know Sam's just waiting for me to ask her. Hindi nga siya nagtanong after ko sabihin yung mga huling words ko matapos ko siya halikan sa hallway ng offices ng mga profs.

Napaka patient na tao ni Salirah, hindi ko siya kinakaya.

"Si Ciana ang kasama ko." Sagot ko matapos ibigay kay Simone ang binder notes ko. Kokopya daw siya ng lectures kahapon.

Kahit naman tamad ako magkinig sa klase, nagjojot down ako ng important terms no. May selective hearing kaya ako.

"Alam mo Chan.." panimula niya matapos buksan ang notes ko. Nandito kami sa library, sa paborito naming pwesto. Mahina lang ang usapan namin dahil baka mapalabas kami ng librarian.

Didiretso sana ako sa office ni Sam pero may klase pa naman siya tapos hinarang din ako ni Simone at kinaladkad papunta dito. Ano bang magagawa ng pilay na si Ako kung manlalaban ako kay Simone?

"Ano?" Tanong ko habang dumudukot ng lollipop sa bulsa. Kahit hindi na ako nasstress, nanatili pa din ang hobby ko na maglagay ng lollipop sa bulsa or bag. Masarap kaya tapos napapractice pa ang sucking skills ko. For future use.

"Hindi mo alam?" Nanlalaki ang matang tanong niya at talagang napatigil pa sa pagsusulat.

Mukha siyang seryoso kaya napaseryoso din ako. Baka may balita sa EXE na hindi ko nalalaman.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now