Chapter 39: Message

11.9K 474 83
                                    

A/N: Patapos na ito. Tatapusin ko na.

---

Channary

Halos magkandarapa na kami sa pag takbo patungo sa elevator nitong hospital. Mukha na siguro kaming timang na apat dahil pagkababang pagkababa sa kotse ay nagtatakbo na kami papasok.

Nangunguna si Ate Chendra na animo ay nasa isang marathon. I'm behind her with Simone and Sam.

Matapos kasing sabihin ni Kuya Cardo na nawawala si Ciana ay walang salitang nag unahan kami palabas ng EXE para bumalik dito.

Ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay hindi mawaglit waglit bagkus mas lumalala pa ito bawat segundo.

Just thinking that they got Ciana, it's fucking my logical thoughts. Mabuti nalang at hindi binibitawan ni Sam ang kamay ko simula kanina. Panaka naka pa niya itong pinipisil sa mga oras na unti unti akong nilalamon ng galit.

I can't believe how easy she can calm my raging demon. Just one touch from her is enough to keep my sanity intact.

"Fuck this elevator!" Ate Chendra muttered under her breath. Siya talaga ang halatang halata na kinakabahan. So this is the feeling of having an older sibling. I feel protected. Base palang sa reaksyon niya sa nangyayari kay Ciana, alam ko nang mahal niya ito.

"Calm down, Chendra." Sam uttered. Ate shut her eyes tight then blew out a deep sigh. Para siyang stress na palaka.

"H-how can I? That's my sister." She whispered, enough for us to hear. Kami lang apat ang nandito sa elevator. Kahit na nasa third floor lang ang ICU kung nasan sina Daddy, parang nasa penthouse ito dahil sa pakiramdam ng paghihintay sa pagtaas ng elevator.

"I know. I'm considering them as my family too. Letting our emotions get the best of us in situations like this will never result to anything good. So calm the fuck down or I'll wack you." I want to grin wide because of how Sam reprimanded Ate but I'm too nervous and too occupied to do so.

Kung wala si Sam dito, baka pati kami nina Ate nagsuntukan na. Ngayon talaga naniniwala na akong kapatid ko siya, namana namin temper ni Daddy. And we both like to act out of impulse.

Halos sabay sabay kaming napa ayos ng tindig nang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa floor nina Ciana.

Ate got our first at para kaming bibe na sumunod sa inahin na naglakad sa likod niya.

"What happened? Where's Ciana? Nasan kayo at bakit napabayaan na naman sila?!" Kakasabi lang ni Sam na huminahon pero itong si Ate nagsisisigaw na the moment na makalapit kami kina Kuya Cardo.

Tahimik na nakayuko lang ang mga ito at hinahayaan si Ate na misahan sila. Paano namin malalaman ang nangyari yung hindi makasagot sina Kuya dahil halatang natatakot ang mga ito sa kanya.

"Calm the fuck down, Chendra!" Ate automatically shut her mouth tight after hearing Sam's serious voice. Uh-oh, I smell danger.

"Tumabi ka diyan, ako kakausap. How can they answer you eh niratrat mo na agad sila. Machine gun ka ba?" Nakakunot noong saad ni Sam.

Ewan ko nalang talaga, kinakabahan ako pero ang hot ni Mommy Sam. Mommy ko yan!

"Kuya tell us what happened. Don't mind them okay? Mga pinaglihi yan sa sama ng loob." Ate and I snickered in chorus after hearing Sam's words.

"Tiklop ang mga Lopez kay Montes." Rinig kong bulong ni Simone sa tabi ko kaya sinamaan ko lang siya nang tingin at inirapan.

"M-may doctor po kasing lumapit kanina dito, may kasama pa siyang limang nurse. Dalawa po sa nurse ay kasama sa umasikaso kina Sir kahapon pa kaya hindi kami naghinala. Sabi po ay mag rurun ulit nang tests para masigurado na wala talagang internal hemorrhage si Ciana. Pero isang oras na po ang lumipas, hindi pa sila bumabalik. Inutusan ko po agad ang ibang tuahan para hanapin sila at nasuyod na po namin ang buong hospital, wala sila kahit saan. May pinapunta na din po ako para ipa check ang CCTV, pabalik na 'yon anumang oras. Sorry po, sorry po talaga.." Halos mapasinghap ako nang mag angat ng tingin si Kuya at lumuluha na ang mga mata.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now