Chapter 36: Please

12.1K 502 186
                                    

A/N: Mas masakit pag walang pagkain sa kusina. Good Afternoon.

---

Channary

Dugo.

Umaagos na dugo mula sa katawan nina Daddy ang tanging nakikita ng mata ko sa mga oras na ito. Tuluyan na akong natulos sa puwesto habang umaagos ang mga luhang isa isang naglandasan pababa sa mata ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nakatanga roon, dahil bumalik lang ako sa huwisyo dahil sa malakas na tunog ng paparating na ambulansya.

"D-daddy..." Nanghihinang sambit ko matapos humakbang ng isa papalapit sa kanila.

Medics from the three ambulance immediately aids my family. Para akong dinudurog, pinapatay. Kakasabi ko lang kanina na sana huwag matapos ang araw na ito.

Napapikit nalang ako ng mariin at napahilamos sa mukha sa sobrang frustration. Nanginginig na din ang kamay ko sa takot. Seeing my family's blood splattered in this cold hard ground is fucking my sanity.

Lumuluhang nagmulat akong muli ng mata at halos mawalan ako ng dugo nang makita ang isang pigura sa likod ng isang malaking puno, ilang metro ang layo mula sa sasakyan namin na sumabog.

Putang*na. It's her.

X fucking did this to my family!

"Ma'am, family member po kayo? Sumama po kayo sa amin sa hospital." Hahabulin ko sana ang demonyong nakita ko ngunit napigilan ako ng isa sa medics.

Uunahin ko muna ang pamilya ko. Kahit gustong gusto ko nang kitilin ang buhay ng may kagagawan nito, kailangan ako ng pamilya ko.

Dali daling sumakay ako sa isang ambulansya kung nasan ang dalawang nakababata kong kapatid. They're giving them first aids at muli na naman bumuhos ang mga luha ko dahil sa itsura ng kalagayn nila.

Bakit naman ganito? Ang saya saya pa namin kanina. Ngayon ko palang sila nakakabonding ng ganito. Bakit may kapalit agad? Hindi pa ba sapat na kinuha si Mommy? Bakit balak pa yatang kunin lahat?

Gusto ko lang naman ng mapayapang buhay kasama ang pamilya ko.

"K-kuya.. are they going to be... f-fine?" Pigil hikbing tanong ko sa katabi ko na busy asikasuhin ang bunso kong kapatid.

He looks at me gave me sympathetic gaze.

"They will, trust us and trust them." Kahit na alam kong may posibilidad na hindi totoo ang sinasabi ni Kuya, nakahinga pa din ako ng maluwag kahit papaaano.

I'll trust my family, they are a Lopez. No one in the family is weak. They'll be okay, my family will get through this.

God, help them. Kahit ako nalang ang kapalit, iligtas niyo po sila. I'm willing to trade my soul for theirs. Please, guide them. Please.

~

Mga nagmamadaling kilos ng hindi ko na mabilang na indibidwal ang pinapanood ko ngayon habang inaasikaso ang pamilya ko.

Nasa emergency area kami at naririnig ko ang mga hindi pamilyar na term mula sa mga doctor na umaasikaso sa kanila. Ang tanging alam ko lang, Ciana and my Dad will undergo immediate surgery.

Kanina pa ako lutang at ang tanging nagagawa lang ay umiyak na parang tanga dito sa gilid habang pinapanood sila.

My family's hopeless bodies were lying on stretchers with doctors and nurses attending to them. Kanina nga ay tinanong ako ng isang doctor pero hindi ako makasagot.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now