Chapter 6: Still

17.9K 698 138
                                    

A/N: Good morning!

---

Channary

"Congressman Jonathan Alfero was arrested this morning after an anonymous tip of his dirty deeds behind his 'Good Samaritan' image as a politician. Two drives containing evidences about his business that sells women and children were sent to the NBI by an anonymous blower. According to the report, Alfero ha---" Hindi pa tapos ang news report na pinapanood ko ay pinatay na agad ni Simone ang cellphone niya.

Kami palang dalawa ang nandito sa meeting place dahil ngayon na kami aalis papunta sa pagtatayuan ng facility.

Alas siete pa lang naman at alas otso pa talaga ang usapan, ang kaso ay bida bida nga kami.

"Pano ba yan? Another money dagdag sa banky!" Nakangising saad ni Simone. Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

Hindi kasi idedeposit ang bayad sa isang mission hanggang hindi nasisigurado na mabubulok sa kulungan ang mga panget na politiko o matataas na taong binubulgar namin.

Mautak kasi ang tatay kong bumbilya. Sigurista, kay nga naka shoot ng apat pang semilya sa apat na babaeng mahadera.

"Ang yaman yaman mo naman pero inaabangan mo pa din yung bayad ng EXE." Saad ko.

"Syempre. Pang Shopee ko yun at tsaka Lazada. Ubos na kasi free shipping voucher ko eh." Gagi talaga. Ang yaman niya pero suki siya ng Shopee at Lazada. Abnormal.

"Ewan ko sayo, Simoan."

"Anyway. Kumpleto ba candies mo?" Matapos tumawa ay naging seryoso na ulit siya.

"Yup. Wag kang mag alala, Mommy." Nakangising saad ko na ikinaikot ng mata niya.

"Mommy my ass." Turn ko naman ngayon ang tumawa sa naging reaksyon niya.

"Sugar Mommy Simoan! Bili mo ako ng Messi F10 Trx FG Cleats!" Pagpapatuloy ko sa pang aasar sa kanya. Kaya ko naman bumili non pero syempre, malay niyo maburaot ko si Simoan kahit na mas malabo pa yun sa tubig kanal.

"Ako nga walang ganun tapos bibilihan kita? Yawa ka pala!" Taas ang kilay na saad niya. Napatawa naman ako sa kakuriputan niya.

"Di mo na ako love, Simoan? Akala ko pa naman ako lang baby mo!" Madramang saad ko at hinahawakan pa ang braso niya.

Kitang kita naman ang pandidiri sa mukha dahil sa sinasani ko. Grabe talaga tong babaeng to sakin!

"Madiri ka nga, Channary Lopez!" Napahagalpak na talaga ako sa sinabi niya. Buong buo na yung name ko eh.

"Ano na naman pinag uusapan niyo?" Sabay kaming napalingon ni Simone sa nagsalitang si Clea pero agad ding kumunot ang noo ko ng makitang kasama niya si Salirah.

"Si Chan nagpapabili sakin ng Messi F10 Cleats. Feeling sugar baby ko." Tila batang nagsusumbong na saad ni Simone na sinagot lang ng tawa ni Clea.

"Mas mayaman pa nga sayo yang si Chan. Dapat ikaw ang sugar baby niya." Tamo tong si Clea, gumagatong pa.

"Ayaw ko kay Chan, dami niyang babae." Hindi ko alam kung bakit pero agad akong napalingon sa direksyon ni Salirah matapos sabihin yon ni Simone.

Pero nanatili lang blanko ang itsura niya. She's looking away from us but I know she's listening.

Bakit ko ba inaalala kung anong magiging reaksyon niya? Parang tanga lang Chan.

"Himala nga eh, magdadalawang linggo na yan walang churva." Mula sa pagkakatingin kay Salirah ay binalingan ko si Clea na siyang nagsalita.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now