Chapter 27: Demon

13.7K 588 187
                                    

A/N: Good morning. I'm back.

Warning: Language and brutal scenes that are not suitable for weak hearted. Hindi naman sobrang brutal pero maganda pa din may warning. Basta winarningan ko kayo!

---

Channary

Tahimik na naglakad ako papasok sa isang masikip na eskinita papunta sa lugar na sadya ko dito. Alas dos palang ng madaling araw kaya naman walang mga tao sa paligid.

I'm on a hunt. Hunting animals in form of humans.

Matapos ang pagtawag ko kay Simone noong isang gabi ay agad niya ding naibigay sa akin ang mga impormasyong kailangan ko. Pero tatlong tao lang ang natukoy namin.

Sa pagkakatanda ko mula sa kwento ni Sam, lima ang nahanap niya. Maybe the other two are on higher ranks kaya maingat ang pagkakatango ng information nila. Sinabihan ko nalang si Simone na ipagpatuloy ang paghahanap dahil hindi ko muna pababalikin si Sam sa bahay niya. Ibabahay ko na yon.

Kung nagtataka kayo kung bakit ang lakas ng loob kong lumabas kahit na kasama ko si Sam sa condo, I injected few amounts of sedative to Sam. Sapat lang para hindi siya magising habang wala ako.

May mga iniwan din akong tatlong body guard na magbabantay sa kanya mula sa iba't ibang parte ng condo building ko.

Baka kasi may demonyo na namang umaaligid at kunin si Sam, baka buong mundo na talaga ang pasabugin ko.

Ilang metro pa ang nilakad ko hanggang sa marating ko ang dulo ng eskinita at tumambad sa akin ang isang hindi kataasang pader.

Inayos ko muna ang pagkaka strap ng bagpack na dala dala ko bago bahagyang tumalon upang abutin ang taas ng pader.

I then used my arms strength to lift my upper body. Walang kahirap hirap na naisampa ko ang paa ko hanggang sa tuluyan nang makaupo sa taas. Mabuti nalang at madilim dito sa lugar na 'to at walang mga nagbabantay.

Maingat na tumalon ako pababa at siniguradong walang tunog ang pagbagsak ng mga paa.

Hindi ako nag aalinlangan kung may lasers ba dito dahil ang lugar na ito ay isang den. Prostitute and drug den.

At ang taong sadya ko dito ay ang taong bumaril kay Sam. Sa files na nakuha ni Simone ay may mga notes na sinulat mismo ni Sam. Nakalagay don kung ano ang ginawa sa kanya ng bawat isang demonyo na iyon. Isipin ko palang ang mga nakasulat don ay kumukulo na ang dugo ko. Mga de puta.

Walang takot na lumigid ako sa establishimentong bumungad sa akin pagbaba ng pader. Kung titingnan mo sa labas ay para lang itong normal na bar na mga high class people lang ang pwede. Mahirap makapasok sa main gate ng lugar na ito kaya naman kinailangan ko pang humanap ng ibang ruta.

Swerte nalang at tuwing ganitong oras ay nasa unahan lahat ang nagbabantay dahil ganitong oras dumadating ang mga espesyal na miyembro nila. At isa doon ang sadya kong tao.

Hinubad ko muna ang suot kong hoodie at kinuha ang isang fitted dress at heels sa loob ng bag na dala ko. Mabilisang sinuot ko ito at nilagay sa bag ang damit, shorts, at sapatos na suot ko kanina.

I fixed a secret holster around my left leg and put a bloody red lipstick. Pinusod ko lang ang buhok ko sa isang messy bun. Matapos masigurong ayos na ang itsura ay hinagis ko bag na dala sa kabilang bahagi ng pader. Babalikan ko nalang.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now