Chapter 19: Dazed

15K 637 174
                                    

A/N: Wala akong update bukas mga bb. Good morning!

---

Channary

"Kaya ba today, Chan?" Nang aasar na tanong sa akin ni Simone habang sinasabayan ako maglakad dito sa hallway ng University.

Monday na ulit kaya meron na namang klase at hassle ang pilay ko dahil hindi ako makalakad ng mabilis!

Mabuti nalang at hindi ako mapapagalitan kapag nalate ako sa mga klase dahil nga may tama ang isa 'kong binti. Ang kaso lang kanina pa ako inaasar ni Simoan at Clea.

"Ganyan daw napapala kapag takbo ng takbo dahil hinahabol ng mga pato." Ayan, nagsisimula na si Marquez. Akala mo hindi ako hinahabol ah. Yabang yabang nitong babaeng ito, sumbong ko siya sa future ko eh.

"Isa ka din sa mga pato niyan, Clea. Baka nafoforget mo, girl." Nakangising ani ni Simoan.

Hindi mo talaga maiintindihan kung sino ang trip ni Simone asarin, kung sino nalang available pinagtitripan niya.

"Sabi ko naman sa inyo na mauna na kayo, pwede ako malate ng ilang minuto, duh." Pinaikutan ko pa sila ng mata na ikinataas ng kilay nila. Magkasabay pa talaga.

Kung hindi ko lang ship sina Miss Col at Sims baka si Clea na ang ipartner ko sa kanya. Bagay naman sila eh pareho silang out of this world ang kagandahan. Alien ganun. Char HAHAHAHA.

"Naaawa kami sayo kaya sinasamahan ka namin maglakad. Mukha ka kayang pulubi kung papabayaan ka namin na mag isa dito sa hallway. Magpasalamat ka nalang, Lopez." Tinapik tapik pa ni Simone nag balikat ko habang sinasabi yon na parang napakalaking bagay ng ginagawa nila para sa akin.

Nasan ba kasi si Mahal?! Mali, si Sam pala!

May klase kasi yun. Hindi sa namimiss ko ah, gagi mag kasama nga kami sa bahay eh, pero parang ganun na nga.

Hinatid pa nga ako noon sa first class ko kanina. Para akong bata na kailangan ihatid ng guardian sa school. Nakakawala ng angas!

"Salamat sa awa niyo na may kasamang pangbabash." Sarkastikong turan ko na tinawanan lang nila.

"Atleast hindi kami plastic, duh." Pairap na sambit ni Simone.

"Hindi ka tatanggaping plastic, Simone." Walang prenong saad ni Clea. Tiningnan tuloy siya ng masama ni Simone.

Magsisimula na naman yang dalawang yan. Parang mga baliw. Hindi ko talaga sure kung friends ba sila o frenemies. Hindi naman kasi sila nagsasama ng hindi ako kasama. Ewan ko din kung bakit, hindi daw sila vibes.

Same vibes kaya sila, parehong boang.

"Chan," Sabay sabay kaming napahintong tatlo nang may humarang na babae sa amin.

Familiar siya. Kilala ko ba 'to?

"Uh- yes? Do I know you?" Kunot noong tanong ko. Yung tingin niya kasi sa akin parang may ginawa akong hindi maganda. Aba, lahat ng ginagawa ko maganda. Kasing ganda ko.

"I'm with you the night before the semester started." Pilit kong inaalala ang sinabi niya at nanlalaki ang matang napahigpit ang kapit ko sa saklay ko.

Pato! Taena, paano ako tatakbo?!

Bakit kasi taga dito din pala siya sa MU. Gosh!

"Ah, y-yes I remember you.." Kamot noong sambit ko kahit hindi ko matandaan ang pangalan niya. Pasensya na lods, mag suot kaya sila name tag.

Siya yung huling nakasama kong iba before bumalik si Sam.

"You do? Really?" Biglang nagliwanag ang mukha niya na parang nanalo siya sa lotto dahil sa sinabi ko.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now