Chapter 30: Constant

13.7K 614 166
                                    

A/N: Good afternoon! I apologize for the inconsistent updates, nakakaranas lang ako ng metal block and I don't want to give you half baked scenes. Thank you for understanding!

---

Channary

"L-love," Kabadong pagtawag ko kay Sam pagpasok ko sa office niya.

Lunch time na ngayon at kahapon niya pa ako hindi pinapansin. Alam niyo na siguro kung bakit hindi ba? Dahil nagising siya na wala ako sa condo ng dis oras ng madaling araw.

Immune na ata ang katawan niya sa sedatives at pampatulog kaya hindi na tumalab.

Ang siste kasi ay wala akong ibang maisip na dahilan kung hindi ang bumili ng beer. Pucha, napakawalang kwenta ng palusot ko dahil may beer naman kaming stock sa ref!

Ayon, inaakusahan niya akong nakipag kita sa babae ko kahit na wala naman akong babae. Grabe na mga prends. Binato niya pa nga ako ng remote, baso, kutsara, at kulang nalang pati kutsilyo ibato niya sa akin.

May bukol pa nga ako sa noo kasi tinamaan ako ng baso kaninang umaga. Hirap suyuin ni Mommy Sam ngayon. Hindi ko naman masabi ang totoong dahilan dahil lalo siyang magagalit.

I know I'm lying to her but they're white lies, okay? Suportahan niyo ako mga kaibigan dahil malapit na akong mamaalam.

"Eat then get out." Walang emosyong sambit niya matapos ayusin ang mga pagkain sa harap namin.

Mangiyak ngiyak na tinitigan ko siya at napakagat pa ako ng labi para lang pigilan ang luha ko. Hindi ko alam pero ang babaw ng luha ko these past few days. Well, mababaw ang luha ko basta si Sam ang reason.

"S-sam, di mo na ako mahal?" Parang batang tanong ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at bahagyang pagkislot ng labi niya. Her mouth opened then closed again, maybe trying to formulate words but she's definitely failing.

"Wala naman akong babae eh," Dagdag ko pa. Hindi ko na kaya ang cold treatment na binibigay sa akin ni Sam. Wala akong kayakap sa gabi dahil hinarangan niya ng unan nag pagitan namin! Wala din akong morning kisses dahil baka daw may patong kumiss sa labi ko!

Ang sakit sakit na niya sa apdo mga kaibigan. Sinasaktan niya ang baby heart ko. Wala na sad na ako everyday, everynight, I keep looking at the skies, then I pray that someday you will wake up in my arms~

Oh diba napakanta kayo? Tama yan. Kanta lang kayo.

"S-sorry na kasi, kausapin mo na ako." Nagsusumamong sambit ko. Mamamatay na ata ako sa silent treatment ni Mommy Sam. Kahit sa klase hindi niya ako pinapansin kahit na taas ako ng taas ng kamay to answer.

Para akong invisible sa paningin ng aking mahal. Ang ganda ganda kong invisible promise. Meron ata si Sam kaya ganyan kainit ulo.

I saw her blew out a deep sigh before her expression softened.

"San ka ba galing? Sagutin mo ng totoo ang tanong ko  o uuwi nalang ako sa bahay." Agad naman akong nataranta dahil sa banta niya.

No! Mommy, wala namang layasan! Paano na ang mga anak natin? Ano nalang sasabihin ng parents ko at parents mo kapag nagdivorce tayo! Charot.

"M-mahal naman, walang layasan. Sasabihin ko na nga!" Jusko naman si Salirah. Ang lakas mang blackmail. Alam na alam niya ang kahinaan ko at lagi niya yong ginagamit laban sa akin.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now