04. Longings

6.8K 149 1
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW

On the same day galing sa apartment ni Hickey, dumiretso agad ako sa hospital. Kung saan naka-confine ang mama ko.

Walang araw na lilipas na hindi ako pumupunta rito.

Nilingon ko si mama pagkatapos kong mailapag ang mga prutas na dala ko sa mesa na nandito sa kwarto n'ya. Nagdadala parin ako ng mga pagkain para sa kan'ya kahit malabo naman na kainin n'ya.

I sighed bago ako lumapit sa mama ko. “Magandang tanghali, ma,” bati ko sa kan'ya.

And for the nth time, nagsimula na naman akong kausapin ang natutulog kong ina. Naging routine ko na rin 'to kahit alam kong wala akong sagot na matatanggap mula sa kan'ya.

She's in coma. Tatlong taon na. Dahil ito sa isang aksidente na s'ya ring kumitil sa buhay ng papa at ng nakababata kong kapatid.

I was devastated hearing the news that time. Every beat of the clock is excruciating.

Tatlong taon na ang lumipas pero iyong sakit na naramdaman ko noong malaman ko na naaksidente sila mama ay s'ya paring sakit na ramdam ko hanggang ngayon. Preskong presko at hindi parin naghihilom.

Hindi ko magawang sanayin ang sarili na ako nalang mag isa. Hindi ko parin matanggap na kami nalang ni mama. Hinahanap ko parin ang kung ano iyong buhay ko noong buhay pa si papa at ang kapatid ko at wala sa comatose si mama.

I'm longing to experience that feeling again. Pero malabo na. Tatlong taon ko nang ipinagdarasal na sana panaginip lang ang lahat but I still wake up everyday that everything hasn't changed.

Iyon na talaga. Nangyari na talaga. Ang magagawa ko nalang ngayon ay ma-miss ang noon at mangulila.

I had a perfect life 'e. A perfect family. Mayaman ako hindi lang dahil sa pera kun'di ay dahil sa pamilyang meron ako. But my world flipped upside down and my perfect life is one hundred one percent ruined when my family got involved into a car crashed.

That accident changed everything. Kinuha sa akin ang dalawa sa mga importanteng tao sa buhay ko at nasa kritikal na kalagayan ang mama ko.

Nakakapanlumo. Nakakawalang ganang mabuhay. Pero despite sa mga nangyari, hindi ko sinisi ang panginoon. Imbes, ako'y nagpapasalamat ng lubos sa kan'ya dahil nailigtas n'ya si mama ko.

Kahit papaano, may natira pa rin sa akin. Kaya hindi ako nawalan ng pag-asa. Tatlong taon na akong nakabaon sa sakit at paghihinagpis pero lumalaban parin ako...kasi lumalaban rin ang mama ko.

That is why I am holding into my faith and trust to the Lord and to my mom. 'Coz I know.. I know she'd wake up anytime soon.





Pinahid ko ang luhang naramdaman kong dahan dahang gumapang sa pisnge ko. I wiped out the tears that is in my eyes bago ko ulit kinausap si mama.

“Mama?” I called her. Inabot ko ang kamay n'ya at dahan dahan akong umupo sa upuan na nasa gilid lang ng kanyang kama.

Bumuntong hininga ako at iniba na ang mga iniisip. Ayoko na ring umiyak. Baka marinig pa ni mama na umiiyak ako.

“Mama, alam mo ba, sumosobra na itong ka torpehan ng anak mo,” parang bata na sinusumbong ko ang sarili. Huminga ako ng malalim. “Hindi ko parin kasi magawang sabihin sa kan'ya na gusto ko s'ya, ma. Kahit anong subok ko, nauunahan ako ng takot na baka iba ang nararamdaman n'ya sa nararamdaman ko. Mama, nababaliw na ako. Ano nang gagawin ko...” Problemadong sabi ko kay mama.

Kung gising lang s'ya ngayon at naririnig ang mga sinasabi ko, baka kinurot na ako nun sa tenga at pinapagalitan sa katorpehan ko.

Pero alam ko, kapag nagising na si mama ay paniguradong magugustuhan n'ya si Hickey. Kaya next time, I'd bring Hickey here so she could finally meet my mom.





The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon