14. Whatever

3.9K 106 18
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW


Pinuntahan ko ang apartment ni Hickey. Naabutan ko s'ya roon na nag i-impake ng mga gamit n'ya.


Kumunot ang noo ko. “Where are you going?” I asked.


Panandaliang lingon at tingin lang ang sagot n'ya sa akin. Lalo tuloy akong nagtaka at naguluhan.


Nilapitan ko s'ya. Iyong malapit na malapit talaga sa kan'ya.


Pakiramdam ko'y biglang sumikip ang dibdib ko dahil parang may kung ano na akong nahinuha sa mga ginagawa ni Hickey ngayon.


“Baby, what are you doing?”


Her cold eyes darted directly to mine the moment she looked at me. Ang tingin n'ya ay parang pako na diretsong tumusok sa puso ko.


Nag sikip lalo ang dibdib ko sa mga nakikita. She's changed.


“Baby..”


“Zayd, I'm married.”


Umurong ang dila ko at pansamantalang hindi ako nakapag salita. Ninanamnam ko ang sakit na nararamdaman dulot ng dalawang salitang 'yon.


Oo nga pala. Kasal na s'ya. Natuloy ang kasal nila ni Dwight Morpheus noong nakaraang buwan.


Ang sakit.. wala man lang akong nagawa to stop it.


Umiling-iling si Hickey na ibinaba ang mga damit na hawak n'ya at isinilid ang mga iyon sa isang maleta.


Habang iyon ang ginagawa n'ya, nagpatuloy s'ya sa pagsasalita.


“I'm married, Zayd. I can't give up my marriage just to have an affair with you. Let's end this.”


Nahulog ang panga ko sa mga sinabi n'ya. Lalo na sa huli n'yang mga sinabi.


“No.. no, baby.” Kinuha ko ang kamay n'ya, pinigilan itong mag impake pero marahas n'yang binawi ang kan'yang kamay.


Nanginginig ako na pinanuod s'ya na ayaw magpapigil.  Looking at her right now feels like I'm looking at a total different person.


Pero s'ya parin naman. She's still the woman I love. She may have changed, but I still love her.


Hindi ko alam ang rason n'ya pero last month bigla nalang s'yang nagbago. Nag resign s'ya sa trabaho n'ya at isang linggo s'yang hindi nagpakita sa amin.. sa akin.


Pagkatapos ng isang linggong iyon ay nalaman ko nalang na kinasal na pala sila ni Dwight Morpheus.


I was devastated, ofcourse. Parang baso ako na sinadyang ihulog sa sahig at nagka pira-piraso. I'm broken to the point na nahihirapan na naman ako.


Sa lumipas na isang buwan, sa lahat ng mga nangyari, ngayon ko lang s'ya ulit nakita. Kung hindi pa s'ya umuwi rito sa apartment niya kung saan araw araw akong nandito at hinihintay s'yang umuwi, baka hindi ko pa s'ya makikitang muli.


Pero nang umuwi naman s'ya rito ay napagtanto kong huling huli na ako.


Ibang iba na si Hickey.


Lumapit ako sa kan'ya. Hinawakan ang magkabilang balikat n'ya at hinarap siya sa akin.


“Baby, look at me,” nanginginig ang labing dahan dahan akong bumuntong hininga. “I thought you love me?” tanong ko sa kan'ya, mata sa mata. Hinanap ko ang pag asa ko sa mga mata n'ya pero hindi ko makita.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon