13. Life

3.6K 107 21
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


I gained consciousness and found myself in a room. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang private room ako ngayon dito sa ospital.


I heard voices kaya ako nagising.


“She's fine. Totally fine. Kailangan lang n'yang mag pahinga,” ani ng pamilyar na boses.


If I'm not mistaken it is my tita's voice and I heard her sighed after saying that


Halata ang pag aalala sa boses n'ya at ang disappointment.


Kahit kasi noong umalis ako sa puder nila ni tito, she never fail to check on me and my health. Kaya siguro disappointed s'yang makita akong ganito.


Hindi ko rin kasi alam kung anong nangyayari sa akin. Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero lately talaga ay parang palagi akong pagod, o kaya'y mabilis akong mapagod.


Dahil siguro ito sa trabaho kong pang gabi at madaling araw na ako kung nakakatulog.


“I'm sorry, doc” boses iyon ni Zayd. “I'll take more care for her. I promise..” sabi n'ya.


Tita chuckled. “What's your relationship with my niece?” she directly asked him.


Panandaliang natahimik ang silid. Kahit ako ay hindi nakapag handa sa tanong na iyon ni tita. Tahimik na kinakabahan ako sa kung ano mang isasagot ni Zayd.


Pinagpatuloy ko lang ang pananahimik dahil hindi pa naman nila napapansin na gising na ako.


I'm waiting for his answer.


‘Please.. please, Zayd. I want to hear your answer, hun..’ I mentally prayed.


I keep my eyes close and waited.


“She's..” Zayd paused and he sighed bago tuluyang sumagot kay tita.


“She's a friend.”


Hearing that parang may kung anong bumara sa puso ko na nananakit ito ngayon. It feels like I want to cry after hearing his answer.


Nag expect kasi ako na iba ang isasagot n'ya.


Maybe I expect too much.


‘Parang tanga!’ sabi ko sa sarili.


Tahimik nalang akong bumuntong hininga. Hindi ako magagalit sa kan'ya dahil totoo namang magkaibigan lang kami.


We're just friends. Friends with benefits. At wala na sigurong higit pa roon.


‘Pero sana meron,’ segunda na naman sa isip ko.


“Pupuntahan ko po muna ang mama ko, doc. Babalikan ko si Hickey mamaya.”


Mabilis na umalis si Zayd. Alam ko dahil naramdaman ko at narinig ko kung gaano kabilis na bumukas at sumara ang pinto.


He left.


Wala na s'ya sa loob pero pakiramdam ko'y may mabigat parin sa puso ko.


“I know you're awake,”


I immediately open my eyes and I look at my tita. I frown at her and burst out my tears.


Hindi ko na nakayanang pigilan pa ang luha ko. Tanggap ko naman ang sagot ni Zayd pero bakit masakit?


Agad na lumapit sa akin si tita at niyakap ako. She knows I'm into Zayd. Sa nararamdaman ko para kay Zayd, s'ya ang unang naka alam.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon