11. Nervous

3.9K 111 5
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


Nang mag hapon ay nag handa na ako para sa trabaho. Hindi ko na rin masyadong iniisip ang mga nangyari kanina dahil medyo nakapag adjust na ang utak ko.


Pagka rating sa bar ay saktong pabukas na dahil mag gagabi na. Dumiretso agad ako sa loob para mag simula sa shift ko.


Nang matapos ay pagod na pagod ako.


Hindi lang ako napagod sa trabaho, dumagdag rin sa pagod ko ang mga tudyo ni Eunice dahil sa mga nasaksihan n'ya kahapon. Walang humpay s'ya sa pag tudyo sa akin habang ang boss ko namang si Levin ay nasa tabi lang ni Eunice at walang ka alam alam sa mga nangyayari.


Nang matapos na ang shift ko, nag sign out agad ako para maka uwi na. Nag commute ako dahil wala si Zayd na s'yang laging nag hahatid sa akin pauwi.


He will always drive me home kapag ganitong late na, but I understand na wala s'ya ngayon dahil paniguradong nasa ospital s'ya.


Kumusta kaya sila?


Bago ako makarating sa apartment ko, I received a call from Zayd.


[Baby,]


Gosh! How I love it when he calls me that way.


“Yes, hun?” masuyo kong sagot.


[Galing ako sa apartment mo. I cooked dinner for you. Are you coming home na?] he asked softly.


Sakto namang nakarating ako sa apartment ko nang itanong n'ya iyon. Excited akong nag tungo sa kusina and he really did cook something for me.


Ang bango ng kusina ko.


I couldn't stop it but to giggle. Kinikilig ako bakit ba.


Nakangiti akong sumagot kay Zayd. “Yes, hun, kakarating ko lang. Thank you for this. Kumain ka na ba?”


He hummed from the other line. And I swear, he's so sexy whenever he do that.


“How are you and tita?”


Bumuntong hininga s'ya. [She's still unconscious, baby.]


I frown.


Hindi pa nga talaga sinasabi ni tita na gising na s'ya.


I sighed too. I can't tell him either. Hindi ko alam kung paano patutunayan.


“Ayos ka lang? Do you want to rest? Pupunta ako riyan so you could go home. Palit tayo, ako naman mag bantay kay tita,” mahinahon kong sabi sa kan'ya. Hoping he'd say yes. Gusto ko rin makatulong.


Pero bagsak ang balikat na nakinig ako sa sagot n'ya.


[No need, Key. Okay lang ako rito.]


Nagpang abot ang kilay ko sa narinig. It's not the first time he said that but I feel disappointed.


I heard him sighed. [Ikaw ang dapat mag pahinga, may trabaho ka pa bukas.]


I pouted, trying to understand him. But I really couldn't stop it but to start sulking. “Okay, Zayd!” sabi ko na naiirita saka pinatay na ang tawag.


Ilang beses kong binigyan ng masamang tingin ang cellphone ko matapos ang tawag na iyon. Ang bilis nasira ng mood ko dahil sa sinabi n'ya kanina.


Nainis kasi ako. Kasi naman, like, where's the baby? Bakit naging Key? Tsk! Nakaka inis! At mas nakakainis dahil wala akong karapatan mag demand. We're not officially dating.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon