10. Confess

4.7K 107 3
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


I saw a ghost of worries in Zayd's eyes. May kausap s'ya sa kan'yang cellphone.


“What about my mom?”


Tahimik lang pero nababahala akong pinagmasdan s'ya. Binabasa ang ekspresyon ng kan'yang mukha.


Ang doctor pala ni tita ang tumawag, kaya ako rin ay nag alala. Not only for tita but also for Zayd.


Ano kayang nangyari?


Sana hindi iyon badnews. Sa ekspresyon ng mukha ni Zayd ngayon, he looked so worried. Nanginginig din ang isang kamay n'ya na ngayon ay hawak ko para tulungan s'yang kumalma.


Naiintindihan ko ang takot n'ya ngayon. Nanay n'ya ang pinag-uusapan nila ng doctor. Nanay n'ya na s'yang meron na lang s'ya.


Si tita ang kinakapitan ng lakas n'ya sa mga nagdaang taon simula nang sabay na mawala ang papa at kapatid n'ya. Masakit at mahirap iyon kaya naiintindihan kong takot s'ya ngayon sa kung ano man ang sasabihin ng doctor tungkol sa mama n'ya.


He's been waiting for her. Still waiting.


Kaya sana talaga hindi badnews ang sasabihin sa kan'ya ng doctor.


“I will, doc.”


Tinitigan ko si Zayd na animo'y hinihingal habang nakikipag usap sa doctor mula sa kabilang linya.


He nodded exaggeratedly, “Opo. Pupunta ako agad d'yan. Jesus Christ! Please.. just please do anything to keep her safe. Yes, yes, doc. O-okay, thank you.”


Malalim s'yang bumunto hininga sabay ibinaba ang cellphone sa mesa. Tiningnan n'ya ako and he's biting his trembling lips.


He's so nervous. He wanted to cry.


Hinanda ko ang katawan ko sabay binuksan ang mga braso ko para bigyan s'ya ng yakap.


I hugged him.


Hagod-tapik ang ginawa ko sa kan'yang likod. “Come on, hun, huwag mong pigilan. It's okay to cry. Release those tears. I'm here. I won't leave. I'll willingly wipe them off,” masuyong bulong ko sa kan'ya.


Wala pang isang minuto ko s'yang niyayakap ay dahan dahan nang gumalaw ang balikat n'ya. Tahimik s'yang humikbi kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kan'ya.


Tumulo na rin ang luha ko dahil kahit ako ay naaapektuhan sa hikbi n'ya. Tahimik ito pero puno ng pangungulila.


May mga braso biglang pumulupot sa aking beywang. It was Zayd, ofcourse. Niyakap niya ako sa beywang at inilapat ang noo n'ya sa balikat ko.


And there, he break down even more.


Mas lalo tuloy akong naiyak. My heart hurts kahit naririnig ko lang s'yang umiyak. Ano pa kaya kung mawala s'ya sa akin? It would be my death.


God! I can't let him go. I can't leave him.


“Thank you, baby,” mumunting bulong ng mga salita ang narinig ko mula sa kan'ya.


Tumigil na rin s'ya sa pag hikbi pero nasa balikat ko parin ang ulo n'ya.


I looked at him kahit hindi ko masyadong magawa dahil nakasandal siya sa balikat ko.


“Puntahan na natin si tita,” sabi ko.


Inabot ko ang kan'yang pisnge at dahan dahan s'yang tumayo nang maayos.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon