05. Fiancé

6.2K 132 1
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW

“Okay na nga ako, Zayd. Hindi naman ako nag fifty fifty, tsaka, nilagnat lang naman ako,” pangangatwiran ko sa lalaki na panay ang subo sa akin ng gulay.

Umagang umaga pinagpipilitan n'yang gulay raw ang kainin ko para magka enerhiya raw ako.

“Stop reasoning,” aniya lang.

“Zayd, kulang lang ako sa exercise.” I winked at him.

Nakuha n'ya naman agad ang ibig kong sabihin kaya ayon, pinagalitan na naman ako.

“Walang mag e-exercise hangga't hindi mo kinakain itong hinanda ko para sa'yo. You're sick, and you need healthy foods. Kung anong exercise man yang gusto mo, kainin mo muna itong mga gulay at ibibigay ko sa'yo 'yang exercise na 'yan.”

“Ahh nooooo! You know how much I hate vegetables. Isa pa, 4 days ago na 'yong nagkasakit ako. Mag move on ka na, magaling na ako oh. Okay na okay na ako. Tsaka healthy naman ako, normal lang naman na magkalagnat ang isang tao. Isa araw lang naman iyong lagnat na 'yon, kung maka alaga naman 'to,” patuloy ang pangangatwiran ko.

Kung makaalaga naman 'to, wagas! Lalo akong naiinlab 'e. Pero minsan naiinis rin, sobrang mapilit kasi.

I heard him sighed in annoyance. “Okay. Hindi na kita pipilitin,” pagsuko n'ya.

Nagulat at natigilan ako sa sinabi n'ya. Ngunit kalaunan ay nagsasayaw na ako sa tuwa. Finally, titigil na s'ya sa pamimilit na kumain ako ng gulay.

Habang nagsasayaw ako sa tuwa, tinalikuran ako ni Zayd at pumunta s'ya sa kitchen. Pinagpatuloy ko lang ang pagdiriwang dahil hindi na ako kakain ng gulay pero panandalian lang talaga ang pagsasaya.

Dahil nang bumalik si Zayd sa sala kung nasaan ako ay may dala na s'yang isang baso ng gatas.

“Ito nalang ang inumin mo.” He hand me the glass of milk.

Napanguso ako at hindi iyon tinanggap.

“Ayaw mo parin?” parang nababanas nang tanong n'ya.

Tumango ako bilang sagot.

“Ayaw mo?”

“Ayoko nga ng gatas.”

“Lahat na ata ayaw mo.”

‘Pero ikaw, gusto kita.’ sagot ko na ang tanging isip ko lang ang nakakarinig.

Zayd shrugged. “Well, Hickey, I have ways to make you drink this milk. Don't try me.”

Ngumisi ako. “You have your ways?”

He nodded na dahilan ng paglaki ng ngisi ko.

“Then, show me your ways.”

Bahagyang kinunotan nya ako ng kanyang noo.

He then smirked. Walang pagdadalawang isip na ininom n'ya ang gatas.

Hindi n'ya pala ininom. Dahil lumobo ang pisnge n'ya, hudyat na nasa bibig n'ya lang ang gatas.

Natulala ako at saksi ang mata ko kung paano dumaloy sa baba n'ya pababa sa leeg ang ibang gatas na kumawala sa bibig n'ya. Nauhaw ako bigla lalo na nang makita kong gumalaw ang adams apple n'ya.

Sa tulala ko, hindi ko naihanda ang sarili sa susunod na nangyari.

Zayd pulled me closer. He bend down a little to kiss me and my lips parted itself. Kusa na ring bumuka ang bibig ko para tanggapin ang gatas na galing sa bibig ni Zayd.

Oh. My. Fucking. Goat.

What the heck is happening?!

Naramdaman kong ang pag daloy ng gatas sa lalamunan ko nang lagokin ko ito. Walang lasa ang gatas pero masarap.

The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon