06. Jealous

6.6K 125 11
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW

Parang gusto kong matawa na may sarkasmo pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw ang kaba ko.

Nandito ang tito ko at ang fiancé ko just to tell me na matutuloy raw ang kasal.

I looked at Dwight with confusion. “I thought you don't want this too? You could've stop this bullshit,” bulong ko sa kan'ya at hindi ko naiwasang magmura.

Magkatabi kami ngayon ni Dwight sa isang mahabang sofa habang nasa kabilang sofa naman si tito, sa harap namin ni Dwight.

Tiningnan ko muna si tito at nang makitang busy s'ya sa cellphone n'ya ay binalingan ko na ng tingin si Dwight. Pinanlakihan ko s'ya ng mata.

He whispered back at me. “Hickey, I can't. Kahit naman tumutol ako, they would insist to continue the wedding, whether we want it or not. You know them. You know your tito.”

Bagsak ang balikat na bumuntong hininga ako. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa para makatakas sa kabaliwan nitong tito ko.

And tama si Dwight, kahit s'ya na lalaki ay walang magawa. Antitigas din ng mga ulo nitong mga parents namin 'e.

I sighed again.

Siniko ako ni Dwight. “Don't worry, well escape this soon.”

Kahit alam kong imposible, tumango nalang ako. Malay namin, baka mag milagro ang langit at mag iba na ang desisyon ni tito at ng parents ni Dwight.

Actually, Dwight and I are already close to each other simula noong ipinakilala kami sa isa't isa 5 months ago. We get along and we confirmed na malabo talagang magustuhan namin ang isa't isa. Hindi s'ya ang tipo ko, at hindi rin ako ang tipo n'ya. And we decided to be friends nalang at napagkasunduan naming planohin ang pagpapatigil sa kasal.

One more thing kaya hindi kami pwedeng maikasal ni Dwight is because, he is a unicorn. Kaya gagawin namin ang lahat huwag lang matali sa isa't isa.

I pouted. “Bakit hindi mo nalang sabihin sa parents mo na ayaw mo sa girls? Kapag nag out ka, malaki ang possibility na sila na mismo ang mag call off sa wedding natin,” bulong ko ulit kay Dwight.

Napangiwi s'ya at tinaasan ako ng kanyang kilay.

“I would rather die than be disowned by my parents. Alam mo naman yon. Ayokong palayasin at matanggalan ng mana. Tsaka, kapag nag out ako sa kanila, baka patayin ako ni dad. No way, girl, ayoko ko pang ma deads. And, I don't want to disappoint them, I'm the only child,” he whispered back again na may pagmamaldita pero panlalaki parin ang boses n'ya.

Hindi talaga halata sa kan'ya na unicorn sya dahil hindi naman s'ya feminine kung gumalaw. Tsaka iyong boses nya ay baritonong baritono parin. Minsan nag g-girly talk s'ya at doon ko lang maaalala na unicorn s'ya.

Gwapo at masculine kasi si Dwight kaya minsan nakakalimutan kong gayman s'ya. But I never catch feelings for him, naka reserve na talaga ang puso ko.

Minsan, nasasayangan ako sa lahi ni Dwight kasi nga ang sabi pa niya sa akin ay hinding hindi raw s'ya papatol sa babae. Kaya nasasayangan ako kasi for sure, magandang lahi ang mapoproduce n'ya kung sakaling gusto n'yang magka anak.

But I still respect him as he is also a human being and have the rights to be whatever he wants to be.

Nagsikuhan nalang kami ni Dwight at hindi na nag usap pa dahil pareho naman naming hindi alam kung ano na ang susunod na gagawin.

But one thing we should do is to help each other get out of this situation.

For sure, magkaka idea mamaya si Dwight para maka alis kami rito.





The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon