15. Son

4.2K 112 6
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


“You're in love with my son?” kinikilig na tanong ni tita Anaia.


Nahihiyang tumango ako. Actually kanina pa s'ya tanong nang tanong sa akin ng ganyan. Isa lang naman ang sagot ko. At kahit ilang beses na syang nag tanong, nahihiya parin ako kapag sumasagot.


Marami na rin kaming napag-usapan ni tita and I found out na alam na rin pala ng doctor n'ya at nurses na gising na s'ya. Tanging si Zayd lamang ang hindi pa nakakaalam.


Tita's reason is,


“I love hearing my son talk about you. He is dearly obsessed with you so I chose to act sleeping whenever he's around.”


I was speechless hearing that. Pakiramdam ko nga rin ay namumula ang pisnge ko sa sinabi ni tita.


Kinikilig na naman po ang lola n'yo, opo.


Tita Anaia is kinda weird person. Funny, naughty, and especially, talkative s'ya. As in super talkative. Kaya andami ko nang nalaman tungkol kay Zayd sa isang araw lang na pag-uusap namin ni tita.


Nasasabayan ko naman s'ya. I am attentive whenever may bago s'yang ikukwento patungkol kay Zayd. Kaya pareho kaming matatawa at minsan ay bigla biglang mag iiyakan. Lalo na sa parte kung saan nag kuwento s'ya tungkol sa nangyari bago s'ya na comatose.


It's heartbreaking hearing it.


Tita Anaia cried so much sa parteng iyon na kinukwento n'ya. Masakit parin daw kahit tatlong taon na ang lumipas at tatlong taon s'yang comatose. Kahit comatose s'ya noong mga panahong iyon ay bukas naman ang isip n'ya kaya naririnig at nararamdaman n'ya parin si Zayd.


Like Zayd, tita lost two of her loved ones. Gaya rin ni Zayd na si tita nalang ang meron siya, si tita rin ay si Zayd nalang ang naiwan sa kan'ya.


It was hella hard for the both of them.


That's why she was so happy the moment she heard Zayd talked about me. For a long time of waiting, she finally heard happiness in Zayd's voice.


Then tita woke up a week ago. Mas klaro n'ya na raw na naririnig si Zayd at ang mga kwento nito sa kan'ya. Tuwang tuwa s'ya na sa wakas ay masaya na ulit ang anak.


Kaya ilang beses akong pinasalamatan ni tita dahil dumating daw ako sa buhay ni Zayd. Malaki raw ang naitulong ko sa kanila, especially to Zayd, tita said I helped him a lot.


Well... He helped me a lot, too. Kaya deserve n'ya ring tulungan. He deserve to heal and be happy again.


“Hickey..”


Ang atensyon kong kani-kanina lang ay kung saan saan napadpad ay bumalik kay tita Anaia.


“Po?” sagot ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako kanina.


“Is Zayd coming here tonight?” tanong ni tita na nakatingin sa may pinto.


Ngumiti ako at kinuha ang cellphone sa bulsa. “Tatawagan ko s'ya, tita.” Lumabas muna ako ng kuwarto.


I check my message to Zayd na kaninang hapon ko pa naisend. Nakita ko na wala parin s'yang reply kaya I conclude na natutulog parin s'ya.


Pagod na pagod siguro 'yon kaya nag oversleep. Pero sleeping to much is not good, so I decided to ring him.


To my shock, mabilis n'ya iyong sinagot na akala koy matatagalan. Kinilig pa ako nang nauna s'yang magsalita at diretso sinabi ang i-miss-you.

Tiklop ang lola n'yo.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon