16. Waiting

3.7K 103 8
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW


Pinupunasan ni mama ang luha ko. Kanina pa n'ya tinutuyo ang aking pisnge pero walang tigil talaga sa pagtulo ang luha ko.


Sobrang saya ko ngayon kaya siguro sobra rin ang tears of joy ko.


Umupo ako sa kama ni mama, sa tabi n'ya. Hawak ko ang kamay n'yang hindi ko magawang bitawan. Para akong bata na takot maiwan ulit.


“Hush na, Zayd. You cried a lot of tears na,” ani mama na patuloy parin sa pag punas sa pisnge ko.


I hugged her again. Pakiramdam koy bumalik ako sa pagiging 7 years old na sobrang clingy kay mama. But who cares, I missed my mama so much.


“I love you, ma” I uttered.


She chuckled. “More than Hickey?” mahina n'yang bulong. May panunudyo rin sa tono ng boses n'ya.


Nabilaukan tuloy ako sa sarili kong laway.


Tinawanan ako ni mama sa reaksyon ko saka n'ya nilingon si Hickey na nasa sofa ngayon. I looked at Hickey, too, kinakain na n'ya ang pagkain na dinala ko para sa kan'ya.


Kumunot ang noo ko na makitang ulam lang ang kinakain n'ya.


“Rice, baby” hindi ko napigilang tawagin ang atensyon n'ya.


Napaangat ng tingin si Hickey sa akin. She smiled. ”Yes, later, hun..” Ngumiti rin s'ya kay mama.


Hindi ko napigilang mapangiti habang pinapanuod s'yang kumakain. Kahit wala s'yang sinasabi, alam kong tuwang-tuwa siya sa dala kong pagkain.


“She got hungry waiting for me,” mahinang sabi ko


“She looked like a hungry pregnant,” sagot naman ni mama.


Nagulat ako sa sinabi n'ya. “Mama,”


She raised her brow at me. “Bakit? Wala ka bang planong bumuo ng pamilya kasama si Hickey?”


“Ma, syempre meron,” mabilis kong sagot. “But this is not the right time for that,” bagsak ang balikat kong dagdag.


Inirapan lang ako ni mama. Iniisip n'ya siguro na ora-orada ay pakakasalan ko si Hickey.


‘Pakakasalan ko talaga agad si Hickey kapag natapos na itong problema namin,’ sabi ko sa isip-isip ko.


“You love her,” biglang bumulong si mama sa akin.


Hindi naman ako nag dalawang isip na tumango. “Sobrang obvious ba, ma?”


Humagikhik si mama. “Ang landi landi na ng anak ko,”


Nagulat ako sa sinabi n'ya ngunit natawa na rin.


Maya maya'y sabay kaming napatingin ni mama kay Hickey na nasa pagkain parin ang buong atensyon.


“What if she's pregnant, nak?”


Tahimik lang ako. Napaisip.


Oo nga, what if. Malaki ang posibilidad na nabuntis ko s'ya sa ilang beses na naming pagniniig na walang proteksyon. Pero wala namang sinasabi si Hickey kung may na buo na ba o wala.


“Wait.” Pinanliitan ako ni mama ng mata n'ya. “Kayong dalawang ba may ginawa nang- Omayghawd!” Tinakpan niya ng kan'yang palad ang bibig n'ya. “Omayghawd! Meron na?” pabulong n'yang tanong.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon