20. Forever | Finale

5.4K 134 38
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


“Doc!”


“Tita!”


Sabay kaming dalawa ni Dwight na tumayo nang makita naming lumabas si tita mula sa emergency room.


Mahigit kalahating oras na ang lumipas mula nang dumating kami dito sa ospital. Pagkarating namin kanina ay agad na diniretso si Zayd sa E.R.


“Tita, si Zayd po?” I asked.


Bago pa sumagot si tita, ilang mga nagmamadaling yabag ng paa ang narinig namin na papalapit. Nilingon namin ang mga bagong dating. It was tita Anaia and Eunice. Nagtama ang mga mata namin ni Eunice, she smiled at me, pero nang lumipat ang tingin n'ya sa kasama ko nahalata kong medyo nagtago siya sa likod ni tita Anaia.


Pero hindi ko na muna pinansin iyon. Ibinalik ko na kay tita ko ang atensyon. Saka rin s'ya tinanong ni tita Anaia.


“Doc, my son, where's my son?” ani tita Anaia sa kalmado ngunit nag aalalang boses.


My tita smiled at her. “He's alright, Mrs. Yildiz. Earlier, he suffered from a minor fainting spell due to fear, pain, and intense emotional stress. He lost too much energy that cause him to passed out. We already gave him a shot for him to immediately regain the energy he lost,” explain ng tita ko tungkol sa kalagayan ngayon ni Zayd. She looked at me. “Makaka-recover s'ya agad. Let's have faith..”


Mula sa nangyari kanina, ngayon lang ako nakahinga nang maluwag. Gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni tita.


Tita Anaia sighed in relief. “Thank you so much, doc.” Sa tuwa ay niyakap niya si tita.


“No worries, Anaia. This is my duty and for my godson, I will help him with open arms,” tita answered, hugging tita Anaia back.


They smiled at each other. Nagtataka naman ako dahil mukhang close na close sila kung mag ngitian.


“Thank you so much, Hayat,” ani Tita Anaia.


Hayat is my tita's name. So, kilala nga nila ang isa't isa?


Tinapik ni tita ang balikat ni tita Anaia. “Sige, mauuna na ako. I have clients waiting for me. See you around, Anaia.”


Ngumiti sa amin si tita bago s'ya tuluyang umalis. Pag alis niya, pumasok naman si tita Anaia sa E.R kung nasaan si Zayd.  Dahilan upang maiwan kaming tatlo ni Dwight at Eunice dito sa labas.


Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. I'm so relieved now that Zayd is safe. But I'm partly guilty dahil stress at pagod s'ya, na siguro ay dahil sa akin. Hindi siguro naging madali sa kan'ya ang isang linggong pagkawala ko na hindi man lang nagpaalam.


“Hickey,”


Napukaw ni Dwight ang lumilipad kong diwa.


Nilingon ko s'ya.


“Aalis na ako. Ayos lang bang iwan kita rito?”


Tumango ako. “Uuwi ka na? S-sige. Salamat, at pasensya ka na sa abala, Dwight, ah.”


Umiling si Dwight at nginuso ang nasa likuran ko.


Nang lumingon ako roon, nakita ko si Eunice na tahimik lang at nakatulala. Hindi ko naiwasang mapakunot ang noo pagkakita ko sa namamagang mata ni Eunice.


Hindi ko ito napansin kanina dahil naka'y Zayd ang isip ko.


“Eunice? Ayos ka lang ba?”


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon