09. Mom

5.4K 115 7
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW

Pareho kaming naliligo sa sariling pawis ni Hickey pagkatapos naming gumawa ng milagro.


Ang ipinagpapasalamat ko talaga ay hindi madaling bumigay ang kama n'ya. Sa ilang ulit ba naman naming nag milagro dito eh hindi talaga nasira.


Natatawang hinalikan ko si Hickey sa noo nang makitang naka tulog na s'ya. Nakakatulog talaga s'ya agad kapagkatapos namin mag siping.


Masyado ko ba s'yang pinapagod?


Sige, sa susunod, dadahan dahanin ko na. Baka rin kasi bumigay na itong kama n'ya kapag naging agresibo pa ako.


Nakaunan si Hickey sa braso ko kaya madali ko s'yang nayakap. Sumiksik naman s'ya sa leeg ko na mas ikina bilis nang tibok ng puso ko.


Ganitong ganito rin ang naramdaman ko kaninang madaling araw nang matulog ako sa tabi n'ya. Sobrang lalim na ng tulog n'ya kanina kaya siguro hindi n'ya napansin na hindi ako umuwi at tumabi lang sa kan'ya sa pagtulog.


Sobrang sarap pala sa pakiramdam na may katabi ka sa pagtulog.


Tuloyan ko nang kinalimutan ang rules sa kontrata namin ni Hickey. Naaalala ko pa naman, pero wala na akong pakialaman.


Nasira ko naman na lahat ng rules. From no-cuddling to no-feelings-attach.


Kasi kada magsisiping kami ni Hickey, hindi na iyon puro libog lang. Kada may mangyayari sa amin, napapahiling ako na sana ako lang at wala nang susunod sa akin.


Kasi ako, sigurado na akong s'ya lang. Wala nang susunod na babae.




Naalimpungatan ako na wala na si Hickey sa tabi ko. Nauna siguro s'yang magising.


Hindi ko na tiningnan pa kung anong oras na. Inuna ko ang pag linis sa sarili at nag bihis bago lumabas mula kwarto ni Hickey.


“Key?” tawag ko sa kan'ya. Nagbabakasakaling nasa kusina s'ya kaya dumiretso ako doon.


I found no one, pero mabilis ko namang napansin ang isang sticky note sa fridge. Nilapitan at kinuha ko iyon para basahin.



Good morning, hun! Hindi na kita ginising kasi masarap ang tulog mo and you deserve it. May pinuntahan lang ako at babalik naman ako agad, kaya huwag kang magtatampo kung hindi kita ginising. Kapag nabasa mo na 'tong sulat, mag brunch ka na dahil malapit na rin namang mag tanghalian. I'll come home later. XOXO

Love, Kissmark.



Natawa ako sa last part kung saan n'ya nilagay ang pangalan n'ya but in other term which is Kissmark.


I chuckled.


Dinogshow na n'ya ang sariling pangalan.


Such a cutie.


Isa pa sa napansin ko sa note ay kung anong salita ang nakasulat pagkatapos ng goodmorning.


“Hun,” basa ko rito.


Dahan dahan, ginapang ng kilig ang buong sistema ko. Hindi ko na sinubukan pang itago ang ngiti dahil ako lang naman mag isa dito.


Malaki ang ngiting nagpakawala ako ng buntong hininga.


Kilig na kilig na naman ako. Sumasakit na ang panga ko kakangiti pero hindi parin ako tumigil.


Hanggang sa mag brunch ako, nakangiti parin akong ngumuya-nguya.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon