18. Breath

3.5K 103 3
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW

Next week ang date ng kasal na naka lagay sa invitation. Binasa ko kanina lahat ng nakasulat roon at hindi iyon nakatulong sa akin.

Mas lalo lang akong nasaktan.

Tahimik akong lumabas ng kitchen. Tinawag ako ni mama pero hindi ko magawang lumingon. Hindi na rin ako nakapag paalam na aalis muna ako.

Nanginginig ang kamay ko habang nag d-drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang tanging alam ko lang ay hawak ko parin ang invitation habang mahigpit ang kapit ko sa manibela.

“Good God!” I sighed.

I want to find Hickey. I have to talk to her. She have a lot of explanations to do.

Gusto kong sa kan'ya mismo marinig ang mga nangyayaring ito. I wanna hear it coming out of her mouth. So I would know kung magpapaubaya na lang ba ako o ipaglalaban ko itong nararamdaman ko.

Akala ko ba, Hickey, wala nang kasal na magaganap sa inyo ng Dwight Morpheus na 'yon?

Paano ako, baby?

What about me?

And Why? Why are you hurting me this much? Baby, it's too painful to let you go.

God....don't I deserve the happiness I want?

Tumutulo ang luha ko mula sa aking mga mata habang nagmamaneho ako. Hindi ko magawang punasan iyon o tuyuin muna ang pisnge ko. Wala na akong pakialaman kung halos hindi ko na makita ang daan. Mas binilisan ko pa nga ang pagmamaneho.

Nahanap ko na lamang ang sarili ko sa isang lugar. Bagsak ang balikat na bumaba ako sa aking sasakyan. Pero nang makababa na ako doon ko lang nahinuha kung nasaan ako.

At saka mabilis na tumibok ang puso ko. Talo ko pa ang tumakbo ng milya milya sa isang marathon.

Tumingin ako sa langit, bumuntong hininga bago dahan dahan na naglakad papasok sa... apartment ni Hickey.

Dito ako dinala ng pagmamaneho ko.

Nang malaman ko ang tungkol sa kasal nila ni Dwight Morpheus, gusto kong tumakbo at lumayo pero hindi ko akalain na dito pala ako dadalhin ng sarili ko.

Kahit anong gawin ko, sa kan'ya parin ako patungo.


I stopped walking when I realized na bukas ang pinto ng apartment ni Hickey. Pumupunta ako rito lage pero hindi ako pumapasok sa tuwing makikita kong naka-lock. May susi naman ako, pero ayokong buksan. Gusto ko si Hickey lang ang mag bukas ng bahay n'ya.

At ang makitang nakabukas ito ngayon ay naging dahilan ng pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Parang tumaas lahat ng dugo ko sa katawan, at kinakabahan ako.

Ngunit hindi ako nag dalawang isip na pumasok.

“Baby...” mahinang sambit ko pagkapasok.

Inilibot ko ang paningin sa buong bahay at wala akong Hickey na nakita.

Tahimik ang paligid. I thought.

Yun ang akala ko.

Akala ko tahimik ang lugar ngunit hindi nagtagal ay may narinig akong mumunting mga hikbi. Nagmumula ito sa kuwarto ni Hickey.

Hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano at agad na akong nagtungo roon.

Sa labas pa lang ng pinto ay narinig ko na ang pamilyar na hikbi n'ya. My heart tightened. Napalunok ako sa kaba at tuwa.

The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon