08. Kissmark

6.2K 121 5
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW

Eunice is just a friend lang pala. Nakabasag pa ako ng baso dahil pinairal ko ang pagka overthinker.

Jusko naman, Hickey!

Mabait si Eunice 'e. She's outgoing, masaya s'yang kasama kahit ngayon pa lang kami nagkakilala. Yun nga lang ay englisera s'ya, dumudugo utak ko kapag ako ang kinakausap n'ya.

Now I know how it feels like talking to a talkative conyo girl.

Masaya at hindi nakakaboryo pero nakaka ubos ng english.

At dahil may sugat ako sa kamay, hindi na ako pinabalik sa trabaho ni Zayd. Kaya ayon, marami kaming time ni Eunice mag usap. We happened to talk about her and Zayd's relationship.

They're good friends since dati pa and she treated Zayd as her real brother. She even told me about her endearment to Zayd, ganun daw talaga ang tawag n'ya kay Zayd dahil ganun din ang tawag niya sa mga kapatid n'ya. Pero dahil may girlfriend na raw si Zayd, which she thought na girlfriend talaga ako, titigil na raw s'ya sa pagtawag kay Zayd ng lovey. Dahil baka raw mag selos ako.

Haha. Ako mag seselos?

Syempre naman. Halos mamatay nga ako sa selos at overthink kanina 'e.

Sobrang thankful ko lang talaga at sobrang maunawa ni Eunice as a girl bestfriend. May ibang girl bestfriend kasi na akala mo naman sila iyong girlfriend. Mukha namang higad.

One more thing I found out about Eunice is that she's older than us. Matanda ng isang taon si Zayd at Levin sa akin samantalang si Eunice ay matanda ng tatlong taon. Kaya siguro sobrang mature at understanding n'ya.

“Are you feeling well?” Dumating si Eunice at agad na nagtanong.

Andito ako ngayon sa labas ng bar. Sa waiting shed, kasi hinihintay ko si Zayd na may binalikan lang sa loob ng bar.

Pauwi na kami.

Ngumiti at tumango ako kay Eunice saka ipinakita sa kan'ya ang kamay kong mag benda.

“Yup! All goods. Hindi naman malalim iyong sugat.”

She pouted. Tumingin muna siya sa paligid bago ako tinabihan sa mahabang upuan dito sa waiting shed. Madaling araw na ata dahil pasara na ang bar ni Levin at wala na rin masyadong mga tao.

Tumikhim si Eunice. “Seryoso ka ba kay Zayd?” direkta n'yang tanong at pansin kong may pag aalala sa mga mata n'ya.

I was suddenly caught off guard. Nalito pa ako kung anong isasagot kaya tumango nalang ako.

Natanong ko tuloy ang sarili kung seryoso ba ako kay Zayd.

‘Oo, beh. Seryoso ka kay Zayd! Hulog na hulog ka na nga 'e. Sabi mo pa nga diba, shot puno kapag nasaktan.’ sagot ng isang bahagi ng aking isip.

Napa buntong hininga tuloy ako.

Right. Oo nga. Finalized na masyado ang feelings ko kay Zayd. Seryosong seryoso na. Sure na sure.

Bumuntong hininga rin si Eunice na ikinabalik ko sa realidad. Hindi ko namalayang napatanga na pala ako dahil sa pag-iisip.

Tiningnan ko si Eunice. Nakatingin siya sa malayo pero umawang ang labi n'ya senyas na may sasabihin s'ya.

“Hickey..”

“Hmm?”

“Did Zayd confessed something to you?” she asked.

“Something what?”

“Something heartbreaking.”

Natahimik ako. Hindi ako nakapag salita. Kasi oo, alam ko na halos lahat sa past ni Zayd. That includes his pain, trauma, and sufferings.

The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon