19. Wake-up

3.9K 102 6
                                    

HICKEY'S POINT OF VIEW


My tito took my phone away as he found out that I'm pregnant. He's gone mad and that pushed him to make the wedding happen.


As early as possible!


Next week na agad ang kasal imbes na wala pang date iyon. Dahil sa galit ni tito, nalaman ko nalang na sa susunod na linggo na ang kasal.


Bumuntong hininga ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.


“Key, you have sighed for 26 times already,” boses iyon ni Dwight.


Andito kami ngayon sa kuwarto ko dito sa bahay nila tita at tito. Hindi kami pinapahintulutan ni tito na lumabas na para bang mga teenager kami kung mag higpit s'ya sa amin.


Kasi kapag daw hinayaan n'ya akong umalis, baka raw mag tago na naman ako sa kanila. Kaya ngayon eto ako, kulong sa sariling kuwarto. Pati si Dwight kulong din dito sa bahay.


One week na kaming ganito ni Dwight. Kami ang magkasama sa isang linggo na kinulong kami ni tito dito sa bahay. Ilang beses naming sinubukan na tumakas pero failed lahat. Ang daming guards sa labas eh.


Gaya ko, frustrated na rin si Dwight pero kinakalma n'ya lang ang sarili n'ya. Kasi kung pareho kaming frustrated, walang makakapag isip ng bagong plano. Mababaliw kami rito!


Ang tita ko naman walang magawa. Naaawa na rin ako sa kan'ya kasi hindi s'ya pinapakinggan ni tito.


“Hickey, look..”


Lumapit si Dwight sa akin at pinakita ang kung anong meron sa cellphone n'ya. Buti pa s'ya may cellphone. Ako kahit ni isang gadget, wala. Kinuha ni tito lahat.


Tiningnan ko ang ipinapakita ni Dwight sa cellphone n'ya. Sumimangot ako nang makita ang naroon.


“Baliw! Akala ko pa naman pag asa na,” wika ko at tinulak palayo sa akin ang cellphone n'yang may bagong highest score sa helix jump.


Ano pa nga bang aasahan ko. Akala ko may signal na ang cellphone niya.


I pouted.


Dwight laughed. “Gaga! Nakalimutan mo ata that your tito cut all the internet connection here?”


Humaba lalo ang nguso ko.


I gritted my teeth infront of Dwight. “Useless!” naiinis kong sabi saka inirapan s'ya.


“Aba! Kung hindi lang ka buntit bobita ka! Naku! Naku!”


Pinandilatan ko lang ng mata ko si Dwight.


Ganito kami madalas kapag walang naiisip na plano. Madalas ay sa kanya ko naibubuhos ang inis ko. Dumagdag pa ang hindi pangkaraniwang mood swings ko.


Napailing-iling si Dwight saka tinalikuran ako. Bumalik siya sa pag lalaro ng helix jump.


Dahil ramdam ko parin ang pagkairita ng walang dahilan, lumabas na muna ako ng kuwarto para kumain. Nagugutom ako. Kaya siguro ako naiirita.


Nagtungo ako sa kusina at doon nag hanap ng makakain.


“Where's Dwight?”


“Butiki ka!” hiyaw ko nang magulat dahil sa bigla biglang pagsulpot ni tito.


Natakpan ko ang bibig nang mapagtantong si tito pala ang natawag ko ng butiki.


Sa kaloob looban ko ay gusto kong matawa sa nasabi ngunit seryoso ang mukha ni tito kaya nag shut up nalang ako.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon