12. Pray

3.5K 107 1
                                    

ZAYD'S POINT OF VIEW


Gabi na ngayon. Sa pagbabantay kay mama, hindi ko masundo si Hickey sa trabaho n'ya.


Buong araw akong nandito sa hospital. Lalabas lang ako kung papasok ang mga nurses to check my mom.


Nang makaramdam ako ng gutom, doon ko lang naalalang hindi pala ako kumain ng tanghalian.


Napagdesisyunan kong pumunta sa apartment ni Hickey. Hindi pa 'yon nakakauwi ngayon kaya paglulutuan ko nalang s'ya ng makakain n'ya pag uwi.


Pagkarating ko sa bahay n'ya ay dumiretso ako sa kusina para mag luto. As long as I could, magmamadali ako para maka balik na sa hospital. Balisa pa ako kanina nang umalis dahil hindi ko kayang iwan nang matagal si mama.


Nagluto ako ng kanin at ulam para sa aming dalawa ni Hickey. Hindi man kami sabay na kakain ngayon, ang importante ay may kakainin s'ya pag uwi.


‘I miss her so much,’ sabi ko sa isip ko habang inilalagay na sa mesa ang pagkain para kay Hickey.


I do miss her. Gustong gusto ko na s'yang makasama ulit, pero sa ngayon ay mas kailangan kong manatili sa tabi ni mama.


“Tada!” sabi ko pagkatapos kong maihanda ang pagkain ni Hickey. Natutuwa pa akong tingnan ang plato na dinisenyohan ko pa.


Parang bata..


But it excites me. I want it presentable dahil iyon ang isa sa mga natutunan ko.


“It's fine if the food tastes bad, atleast it looked good,” I mumble.


“Okay na siguro 'to,” sabi ko pa at kumuha na ng tupperware para paglagyan ko ng pagkain ko na dadalhin ko sa ospital.


Doon ko na napagdesisyunan kumain.


Pagkatapos kong ayusin ang lahat, nag drive na ako pabalik sa hospital. I called Hickey to tell her na galing ako sa apartment niya at nag luto ako ng pagkain para sa kan'ya.


We talked and she asked me about my mom. She even insisted to come over tomorrow.


I told her she don't have to dahil kailangan n'yang magpahinga. Alam ko kasing nakakapagod ang trabaho n'ya lalo na't sa gabi ito. Kaya sa umaga ay kailangan n'yang bumawi ng tulog. Kapag pumunta pa s'ya sa ospital bukas ay baka mapagod lang s'ya lalo.


Nang sabihin ko ang mga 'yan sa kan'ya, she suddenly ended the call without saying proper goodbye


Anong nangyari don? Nagalit ba s'ya?


‘Halata namang nagalit s'ya,’ sagot ng isang bahagi ng isip ko.


Oo nga naman. Halatang nagalit siya dahil hindi man lang s'ya nagpaalam na ibababa n'ya na ang tawag. Pero bakit naman s'ya nagalit?


Good mood naman s'ya nang sagotin ang tawag ko.


May nasabi ba akong mali? Dahil ba iyon sa sinabi kong huwag na muna s'yang pumunta ng ospital at magpa hinga nalang s'ya sa bahay niya?


Bakit nagalit? I was just thinking about her health.


Nabahala tuloy ako kaya pagkarating na pagkarating ko sa ospital ay tinext ko s'ya. I told her na ayos na sa akin kung pumunta siya bukas. Nag tanong rin ako kung galit ba s'ya. Pero wala naman akong natanggap na reply.


Hindi ko nalang rin s'ya tinawagan dahil baka nakatulog na 'yon sa pagod.


Bumuntong hininga nalang ako pagkatapos kong mai-send ang ilan pa sa mga mensahe ko para kay Hickey. Wala s'yang reply pero sana mabasa n'ya ang mga minessage ko.


The Bad Habit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon