( PAKINGGAN ANG HULING SANDALI NG DECEMBER AVENUE HABANG BINABASA ANG AKDANG ITO)
Sa pagsapit ng takipsilim, nagtatagpo ang araw, buwan, at karagatan. Kung saan nagkikita ang kalangitan at ang dalampasigan. Kung saan nagmistulang kahel ang kalangitan. Kung saan nag - aagaw ang liwanag at dilim, sumasapit ang takipsilim. Sa paglubog ng araw ay ang pagsilay ng buwan. Sa bawat katapusan ay mayroong panibagong simula.
Biyernes ngayon, unang araw ng Marso sa taong isang libo walong daan at apatnapu't apat. Nalalapit na ang pagsapit ng pista sa aming bayan, sa bayan ng San Andres.
Maaga akong nagising upang makapaghanda at makapag - ayos ng aking kasuotan. Suot ko ang paborito kong asul na barong tagalog.Patungo ang aming pamilya sa kabayanan kung saan gaganapin ang sermon ng kura. Ang aming tahanan ay hindi nalalayo sa kabayanan. Halos kalahating oras ang inaabot sa tuwing kami'y napunta sa bayan. Ang aming pamilya ay isa sa mga nagmamay - ari ng malalawak na lupain sa aming bayan, kasama na rito ang Pamilya ng mga San Jose.
Sa bungad ng simbahan, una kong namataan ang mga taong nasa labas ng simbahan. Marahil ay wala silang sapat na salapi upang makapasok sa loob ng simbahan subalit gustong makinig sa sermon ng kura. Maraming kilalang mamamayan ang nagsisimba kapag nagsesermon ang kura sa amin bayan. Isa na rito ang pamilya ng mga San Jose, ng San Agustin, at ang mga Consolacion.
Sa pagtapak ng aking mga paa sa labas ng karwahe, una kong nasilayan ang isang magandang binibini kasabay ng pagdampi ng malamig at malakas na hangin sa aking balat. Siya'y nakasuot ng bughaw na baro't saya. Suot niya ang isang paynetang may puting rosas na akmang - akma sa kanyang kagandahan. Sobrang natatangi ang kanyang kagandahan kaysa sa ibang binibini rito sa bayan.
Magkikita pa kaya ang aming mga landas? Muli kaya kaming pagtatagpuin ng tadhana? Kailan kaya kami muling magkikita. Huling pagkikita pa namin'y sa loob pa ng simbahan. Pasimple lamang akong sumusulyap sa aking Binibini nagbabakasakaling ako'y kanyang lilingunin.
Matapos ang araw na iyon, walang araw na hindi ako nagtungo sa kabayanan. Hindi ko alam kung bakit ako nag - aabang sa bungad ng simbahan. Nagbabakasakali na siya'y daraan at masisilayan. Tila ba'y kusang gumagalaw ang aking buong katawan patungo sa simbahan. Hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa Binibining aking nasilayan sa harapan ng simbahan.
Lumipas ang limang araw nang aking paghihintay, umaraw man o umulan matiyaga akong naghihintay sa pagdaan ng aking binibini.
Napagdesisyunan ko nang umuwi na lamang sa kadahilanang sumasapit na ang dilim. Sumilay na lamang ang ngiti sa aking labi nang makita ko siya habang ako'y nakasakay na sa karwahe. Nakita ko siya sa ilalim ng puno ng mangga. Kung saan sumasapit ang takipsilim. Kung saan lumulubog ang araw at sumisilay ang buwan. Natagpuan kitang muli aking Binibini kung saan nagtatagpo ang araw, buwan, at ang karagatan. Ni - hindi ko man lang nalaman ang iyong ngalan.
Balang araw ay magkikita tayong muli sa lugar kung saan sumasapit ang takipsilim at agaw - dilim.
Sa pagsapit ng kapistahan ng aming bayan, punong - puno ng palamuti ang bawat tahanan. Nagkaroon ng isang maikling prosisyon bilangpasasalamat sa aming patron na si San Jose, patron ng pag-ibig, katapatan, at pagkakaibigan.
Sa pagsapit ng gabi, naghanda ng munting salo - salo ang pamilya San Jose. Maraming kilalang mga tao ang dumalo sa munting pagtitipon na ito. Isang munting sayawan ang inihandog sa amin ng mga San Jose. Marami ang sumasayaw at umiindayog sa pagtugtog ng musika habang ako'y nakatingin sa Binibining aking sinisinta. Marahan ko siyang nilapitan at inayang sumayaw.
"Maaari ba kitang maisayaw, Binibini?" Marahan kong inilahad ang aking kamay, naghihintay na ito'y kanyang abutin. Ilang sandali pa'y naglapat na ang aming mga palad. Marahan ko siyang dinala sa bulwagan upang maisayaw ang Binibini.
![](https://img.wattpad.com/cover/311864264-288-k690454.jpg)
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Короткий рассказ"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...