BE MY VALENTINE

7 1 0
                                    

"Kib hindi ba't si Yohannna 'yon?" Kaagad akong napalingon sa direksyon na itinuturo ni Jimwell. Kaagad kong nasilayan ang mala - diyosang kagandahan ni Yohanna. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya? Isa siyang matalino, tapat, sikat, mayaman at isang atleta. Maging pagsayaw at pagkanta'y magaling din siya. Nasa kanya na ang lahat. Hinahangaan siya ng maraming tao. At isa —

"Kib!" Kaagad akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Jimwell. Huli na bago pa man ako makaiwas sa bumubulusok na bola patungo sa direksyon ko. Kaagad itong tumama sa aking mukha dahilan para lamunin ako ng kadiliman. 

Nagising na lamang ako sa puting kuwadradong silid. Nasa infirmary ba ako?

Sobrang sakit ng aking ulo, para akong binato ng semento sa sobrang sakit.

"Gising ka na pala." Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Jimwell sa aking tabi.

"Anong nangyari?

"Nahimatay ka matapos kang tamaan ng bola ni Yohanna. Kaagad ka naming dinala rito. Alalang - alala nga si Yohanna sa'yo. Sa sobrang pag - aalala niya gusto niya itong ipaabot sa iyo." Kaagad na inabot sa akin ni Jimwell ang isang asul na kahon."Hindi rin siya nagtagal dito sa infirmary, sapagkat kinakailangan na niyang bumalik sa pag - eensayo para sa nalalapit na Intramurals ng ating Campus."

"Ibigay ko raw 'yan pagkagising mo. Huwag kang mag - alala hindi ko binuksan 'yan habang natutulog ka. Wala ka na ring babayaran dito sa infirmary sapagkat nabayaran na iyon ni Yohanna. Ang sabi lang sa akin ng nurse, kailangan mo lang daw ng sapat na pahinga," ani niya bago niya lisanin ang infirmary.

Hindi lang siya basta sikat at matalinong babae. Sobrang bukal din ng kanyang puso.Kaya maraming nagkakagusto sa kanya, pati mga binibini'y hinahangaan siya. At isa na ako roon sa mga taong humahanga sa kanya.

Kaagad kong binuksan ang kahon na ipinaabot ni Yohanna. Una kong nasilayan ang isang kulay rosas na papel. Maging ang kanyang kalimuyak ay nakalakip dito. Kaagad kong binasa ang nakapaloob sa sulat, "I'm sorry, pagaling ka. ^__^"

 Mararapat ko siyang pasalamatan, ngunit ano ang ibibigay ko sa kanya? 

Gumising ako nang maaga para lamang sa bagay na ito. Gumawa ako ng isang punpon(Bouquet) ng mga puting rosas na yari sa papel. Nilagyan ko lamang ito ng isang asul na papel na may nakapaloob na "Thank you!!" sa loob ng papel.

Kaagad na pinagkaguluhan ang mga gawa kong rosas. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong si Yohanna ang aking pagbibigyan.

 Kaagad na akong bumalik  sa aming silid. Masaya na akong tinanggap niya ang munti kong regalo. Masaya na akong makita siyang masaya, kahit hanggang doon na lang. Wala akong sapat na lakas ng loob para kausapin siya. Kaya gugustuhin ko na lang siyang makitang masaya. Tulad ng pagtanaw ko sa kagandahan ng buwan. 


Madalas akong nagliliwaliw sa rooftop ng aming campus building tuwing lunch break. Mapayapa at tahimik sa lugar na 'yon. Madalas akong gumuguhit ng mga tanawin at kung ano - ano pa sa lugar na 'yon. Palagi kong dala - dala ang sketchpad ko saan man ako magpunta.

Sumapit na ang lunch break sa araw na ito. Patungo ako ngayon sa dati kong pinupuntahan kapag sumapit ang oras na ito. Habang naglalakad patungo sa direksyon ng rooftop. Hindi ko namalayan na may na bunggo na pala akong estudyante dahilan para matumba siya.

"Sorry." Sabay naming sambit. Nagulat na lang ako nang makita ko si Yohanna sa harapan ko.

 Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong binalot ng kaba at hiya ang buong sistema ko. Dali - dali akong umalis sa kinatatayuan namin. Hindi ko alam gagawin ko. Sa dami ng makababangga ko bakit si Yohanna pa?

LONG - SHORT STORIESWhere stories live. Discover now