"We need to break up."
Nakita ko naman kung paano mawala ang ngiti na nakakurba sa kanyang labi.
"B - Bakit James? M - May nagawa ba akong mali?"
"W - Wala baby."
"Eh, ano James may bago ka na?"
Hindi ako sumagot.
"So, may bago ka nga? James naman sana sinabi mo noong una palang para hindi ako nagmukhang tanga!" Bigla siyang umalis sa harapan ko matapos niyang sabihin lahat ng iyon ng hindi man lang ako pinapakinggan.
Nanatili lang akong nakatayo dito sa parke kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao habang umiiyak.
"Pasensya ka na anak ha, ginagawa ko lang naman ito para sa'yo."
Tiningnan ko lang si Daddy sa aking harapan na kadarating lang.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at umiyak sa kanyang balikat.
"Tahan na anak ko makasasama sa puso mo sobrang pag - iyak. Tahan na umuwi na tayo ha."
Kaagad naman akong tumango at sumunod papunta sa kotse.
"Pagaling ka kaagad anak nandito lang si Daddy at Mommy." Binigyan ko sila ng isang matipid na ngiti.
Ayaw ko lang magsalita ngayon.
Simula noong napag - alaman namin na masyadong humina ang pintig ng puso ko pinagbawalan na ako sa matitinding emosyon lalong - lalo na ang pag - ibig.
Magpapagaling ako kaagad para lang makabalik ako sa piling ng taong mahal ko.
Kahit anong gawin kong pagpipigil sa nararamdaman ko siya at siya pa rin tumatakbo sa puso't isipan ko.
Halos sampung buwan akong nagpapagaling pero hindi pa rin siya mawala - wala sa isipan ko.
Limang taon, limang taon ang nakalipas matapos akong tuluyang gumaling mula sa sakit na iniinda ko kahit mahirap kakayanin ko basta't para sa taong mahal ko.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Sana tanggapin niya pa ako.
Kaagad ko siyang pinuntahan sa bahay nila pero walang tao. Napag - alaman ko na nasa simbahan ang buong pamilya nila sabi ng mga kalapit - bahay nila.
Kaagad akong nagtungo papunta sa simbahan, nakita kong nakabukas ang malaking pintuan ng simbahan ng makarating ako doon.
"Do you accept this man as your husband for the rest of your life?"
"I do father." She said while her tears are falling down.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
And I saw her kissing the man that she loves.
Ang sakit, sobrang sakit makita siya na hawak na ng iba.
Masaya na pala siya sa iba.
Sana pala noong una pa lang pinaglaban ko na pagmamahal ko sa kanya.
Kung nilakasan ko lang ang loob ko noon, sana kami pa, sana kami 'yong nasa altar.
Naging duwag ako, natakot ako na baka sakaling mawala ako at ayaw ko siyang iwanang mag - isa but I already did.
Totoo nga 'yong sinabi ng karamihan na "Huwag mong bitawan kung ayaw mong makitang hawak na siya ng iba."
![](https://img.wattpad.com/cover/311864264-288-k690454.jpg)
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Kısa Hikaye"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...