VALENTINE'S DAY

4 2 0
                                    


Alas tres na nang madaling araw, ito ako't nagmumukmok sa aking kuwarto. Umiiyak na para bang wala ng bukas. Mukha na akong isang panda dahil sa mga gabing walang tulog. Namumugto na ang aking mga mata dahil sa sobrang pag - iyak. How did I turned into this? Well, because the main reason is love.

I'm Shai, 19 years old and I'm a first year College. I have a suitor and his name was Ken. Halos limang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Actually, boto sa kanya ang family ko. Bakit naman hindi? He's a responsible, God-fearing, family-oriented, caring, at marami pang iba. He's the man of every girl's dream. He really proves that he is serious to me based on his actions. Today is February 13 and tomorrow is my birthday! I decided to say yes to his courtship tomorrow. I'm so excited!

"Hey, how's your day?" Nakangiting tanong ni Ken. Sabay kaming naglalakad pauwi para tipid na rin. Malapit lang ang bahay namin sa pinapasukan namin.

"Kung makatanong ka naman, akala mo hindi iisa ang pinapasukan." Natatawa kong saad. He's always like that. Lagi niyang tinatanong kung kumusta ang araw ko kahit na lagi naman kaming nagkikita.

"I just want to know if something bad happens to you when I'm not around." Tama nga siya, may mga oras na hindi kami magkasama. "Wala naman, I'm fine, nahirapan lang ako kanina sa isang activity." He offers to teach me the topic na di ko maintindihan but I refused.

 Alam kong marami rin siyang ginagawa. Nagdaldalan pa kami until makarating sa bahay namin then we bid our goodbyes.

Today is my birthday and Valentine's Day obviously. Umagang - umaga, ginising na ko ni mama. Kahit na inaantok pa ako pilit akong bumangon sa aking kinahihigaan. Palagi na lamang akong ginigising ni mama nang sobrang aga akala mo nama'y sobrang layo ng eskuwelahan dito sa bahay namin.

"Shaaaaiii, bumaba ka dito bilis! Na'ndito yung manliligaw mo!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Kaagad akong nag-ayos, bago ako bumaba. Nakita ko siya na may dalang bouquet of red roses.

"Happy birthday and Happy Valentine's Day Shai," he said with a sincere tone as he gave me the bouquet. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman kung saya o kilig. "Thank you, uhm..Ken? may gusto akong sabihin sa'yo."

"Ano 'yon?"

"I want you to be my boyfriend."

"Talaga?"I just nodded at him. He froze and stared at me for a bit and happily hugged me.

"Thank you Shaiii, I promise that I'll cherish you just like your family does to you." Halos maluha-luha niyang sambit.

That was February 14, 2018, when I decided to be his girlfriend. Our relationship is full of love. We understand each other, not until when one of us got a huge problem. We go to church every Sunday. Our family supported us with our relationship. There are small fights pero nasosolusyunan naman namin kaagad. It was happy not until I found out something.

February 13, 2020, I saw a lot of papers about his health informations.

"Ken, a - ano 'to?" Ipinakita ko sa kanya ang mga papel na nakita ko.

"Ah, wala lang 'yan huwag mong problemahin 'yan."

"Ken, sabihin mo kung ano ito?!"

"That's a diagnosis of my doctor last month."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Last month, I'm diagnosed with pancreatic cancer." Kitang - kita ko kung paano niya pigilan ang mga luhang gusto nang pumatak sa kanyang mga mata. Mas lalo akong naluluha sa mga sinasabi niya.

"Gaano kalala?"

"Stage Three."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kasi ayaw kong mag - alala ka."

"Girlfriend mo ako Ken, para mo na rin akong tinanggalan ng karapatan maging girlfriend mo." Kalmado lamang akong nagsasalita upang hindi siya mataranta. 

"Sorry na, hindi na mauulit. Natakot lang ako na baka layuan mo ako sa mga oras na malaman mo na may sakit ako." Kaagad ko siyang binatukan.

"Baliw ka ba? Bakit kita lalayuan?"

"Sorry na nga po, magiging maayos din ang lahat. Isa pa mabubuhay pa naman ako kapag successful ang liver transplant sa ngayon naghahanap pa kami ng donors." Kaagad naman akong nakahinga ng maluwag sa mga sinabi niya.

Ilang buwan na ang nakalipas simula noong nalaman kong may sakit siya sa ngayon nandito kami sa ospital dahil hindi na kaya ng katawan niya na gumalaw. Hindi na niya halos maigalaw ang kanyang mga binti dahil sa lumalala niyang sakit. Nanghihina na rin ang kanyang katawan. Kaya ito ako ngayon, inaalagaan siya hanggang sa makahanap na ng donor sila Tita.

"Kaunting tiis na lang mahal makahahanap din tayo ng donor." Kitang - kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata.

"Magiging maayos din ang lahat mahal."

Kaagad kong tinawag si Doc Alvin nang biglang kumirot nang husto ang tiyan ni Ken. Kitang - kita ko kung gaano siya nahihirapan. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Sa bawat sigaw na inilalabas niya parang tinutusok ang puso ko sa sobrang sakit.

Dumating ang araw ng kanyang operasyon. Kinakabahan at nanabik ako sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ipinapanalangin ko na lang na maging maayos ang operasyon niya.

Ngayon araw ang aming ikatlong anibersaryo. Masaya ako kasi umabot kami nang tatlong taong magkasama.

"Happy Anniversary Mahal, Happy Valentine's Day na rin. Hindi ko inaakala na ganito tayo magdidiwang. Mahal, mahal na mahal kita lagi mo 'yang tandaan. I love you from the beginning until the end. I love you and Happy Anniversary." Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak na aking hawak at malugod naman niya itong tinanggap. He died because his operation didn't succeed. Sabi ng doktor kumalat pa raw ang mga cancer cells sa katawan niya a day before the operation. Hindi ko na rin masisi ang mga doktor dahil wala na si Ken.

"Paalam na, sana magkita tayo sa susunod nating buhay mahal ko," sambit ko bago ilibing ng mga supoltorero ang labi ng aking minamahal.

Lumipas na ang sampung taon heto ako, nakatayo sa puntod ng taong una kong minahal, nagbabakasakaling panaginip lang lahat ng ito. Sana nga  panaginip na lang ito, at paggising ko katabi ko na taong mahal ko

Thank you for loving me, I hope we met again in afterlife, love.

LONG - SHORT STORIESWhere stories live. Discover now