(PAKINGGAN NIYO ANG PANGALAWANG BITAW BY THE JUANS HABANG BINABASA ANG AKDANG ITO.)
"Cherry!" Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses.
I saw my best friend Alvin.
"I bought the tickets." He joyfully smiled at me.
Hindi niya talaga ako binibigong pangitiin.
So we immediately go to the movie theater.
I'm lucky to have him in my life.
He's so sweet, gentle, funny, understanding, wise and handsome.
"Cherry hindi ba gusto mong makapunta sa concert ng Ben and Ben, hindi ba?"
"Oo, pero mas gusto kong kasama ka kaysa pumunta ako doon. Bakit mo naman natanong love?"
"Wala naman gusto ko lang tanungin." Minsan talaga hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ni Kevin.
After that day he's acting weird and busy I don't know why but I just try my best to understand it.
A month just passed we never have a communication to each other.
Alam kong busy siya pero paano naman ako? Kahit isang goodmorning at goodnight man lang sa isang araw okay na ako basta malaman ko lang na ayos siya.
Naiinis ako sa kanya.
Sinundo niya ako sa bahay sumama pa rin ako kahit nagtatampo pa ako.
"Love, hindi sabi mo gusto mong pumunta sa concert ng Ben and Ben?"
"Oo." Malamig kong sambit.
"Close your eyes and count one to three."
I just do what he just said even I'm irritated.
I closed my eyes and starts counting.
"1...2...3..."
"Happy 10th Anniversary Love." He showed me something. A tickets for two. "I bought the tickets." He said while giving me a wide smile.
"Is this legit?? A VIP sit to the concert of my favorite band?" Kaagad ko siyang niyakap sa sobrang tuwa.
"Alam kong nakalimutan mo anniversary natin ngayon dahil alam kong nagtatampo ka sa akin."
Oh right, its our anniversary I forgot.
"I'm sorry love."
"Nah it's okay. Ano tara na? Baka magsimula na ang concert." Kaagad kaming lumabas ng kotse.
Ang saya ko dahil kasama ko ang taong mahal ko sa araw na ito.
Wala nang mas sasaya pa sa araw na ito.
Nagsimula na silang kumanta. Wala pa ring kupas ang mga kanta nila sana mapakinggan pa ito ng susunod na henerasyon.
"Ang kantang ito ay para sa mga taong nagmamahal ng lubos at walang ibang pinipili kung hindi ang taong mahal nila."
Nagsimula na silang kumanta ulit.
"Cherry." Napalingon ako sa boses na narinig ko.
"Bakit love?"
"Simula noong nakilala kita lumigaya ang buhay ko. Sa una nating pagtatagpo dahan - dahang natutunaw ang aking puso sa tuwing nakikita kita." Nagulat ako nang biglang bigyan siya ng miropono at dahan - dahan niya akong dinadala sa entablado.
Wala akong kaalam - alam sa nangyayari.
"Sa tinagal - tagal kong nag - iisa andyan ka lang pala. Kaya pipiliin kita araw - araw," sambit niya kasabay ng pagtugtog ng musika.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Pilit ko siyang pinapatayo pero hindi niya ginawa.
"Cherry Magrigal, pumapayag ka bang maging asawa ko sa panghabang buhay sa hirap man o ginhawa?"
"T - Totoo ba ito?"
Sa tingin ko sasabog na ako sa sobrang daming emosyon na naghahalo - halo sa buong katawan ko.
"Pumapayag ka ba?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, I will marry you." Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Cherry! Hoy!" Bumalik ako sa realidad nang marining ko ang boses ni Alvin.
"Okay ka lang?"
"Yeah."
"Eh ano yan?" Tinuro niya ang lumuluha kong mata.
"Napuwing lang ako."
"Sumunod ka na lang sa loob ha. Magsisimula na 'yong sine." Tumango na lang ako bilang sagot.
Palagi ko siyang naaalala sa bawat kilos ko.
Ang hirap lang kasing isipin na wala na siya sa akin.
Ang hirap isipin, masakit sa damdamin
ang hirap lang tanggapin na wala ka na sa akin.
Napalaya na kita simula noong nawala ka sa mundo, pero hindi ko pa rin mapakawalan ang mga alaala nating dalawa.
Siguro nga kailangan ko nang bitiwan ang mga alaala ng ating nakaraan sa loob ng isang dekada.
![](https://img.wattpad.com/cover/311864264-288-k690454.jpg)
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Short Story"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...