Other says that 95% of our dreams are mostly forgotten and can't be remembered but why I remembered every single detail of my dreams? There was guns and gunshots, screaming and a lot of people are running. I don't know why they're running.
I heard a loud noise coming from the street that makes me back to the reality and my consciousness stop me from thinking about my dreams.
"Are you okay?"
"Yeah, I'm fine —" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang isang lalaking niyayakap ang kanyang pulang sasakyan and saying. "Ayos lang 'yan baby hindi ka naman nasaktan eh."
Para siyang baliw habang kinakausap ang sarili niyang kotse.
"Hoy! Ikaw!" Biglang napabaling ang atensyon niya sa akin. "Ako?"
"Oo, muntikan mo nang magasgasan ang baby ko," sambit niya sabay turo sa kanyang mamahaling kotse.
"At kasalanan ko pa? Ikaw na nga itong muntikang makapatay ng tao tapos mas inuna mo pa 'yang kotse mo kaysa sa muntikan mong masagasa?"
"Tao ka pala? Hindi halata huh?" Aba minamaliit ata ako ng lalaking ito. Kaagad ko siyang binigyan ng malakas na sapak dahilan para pumula ang kanyamg mukha. Kaagad akong umalis doon sa sobrang pagkairita.
Iritado akong pumasok sa room namin at kaagad na naupo sa aking silya.
"Oh? Bakit mukha kang iritado Ian?" Bungad sa aking ng kaibigan ko matapos kong pumasok sa silid namin.
"Eh, kasi naman may baliw na lalaki akong nakasalubong kanina. Siya na nga itong muntikang makasagasa siya pa galit. Tapos alam mo ba mas kinumusta niya pa 'yong kotse niyang mamahalin kaysa sa akin na muntikan na niyang mapatay!"
"Sino ulit ang baliw?"
" 'Yong lalaking nakasalubong ko kanina —" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang lalaking muntikan nang makabangga sa akin.
"Ikaw!? Bakit ka nandito?"
"Uhm, Mr. Dela Cruz daldal ka kasi ng daldal d'yan sa may likuran kaya hindi mo siguro narinig kong sino siya. Magpakilala ka ulit iho," sambit ng guro namin.
"Hi, I'm Nathaniel Michael Montero nice meeting you Mr. Dela Cruz." He said while smiling at me and offering his hand on me.
"Okay na 'yan puwede ka nang maupo Mr. Montero." Kaagad naman siyang nagtungo sa tabi ko.Sirang - sira na ang buong araw ko. Sinong hindi masisira ang araw habang katabi ang isang baliw na tulad niya at ang lalaking muntikang pumatay sa'yo.
Argh!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/311864264-288-k690454.jpg)
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Cerita Pendek"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...