DIARY NG ISANG BALIW

3 1 0
                                    

"Ate oh." Inabot sa akin ng batang nasa harapan ko ang tinapay na hawak - hawak niya. Kaagad ko naman itong kinuha at tumango na lang bilang pasasalamat.

Kaagad kong kinain ang tinapay na binigay niya. He just smiling at me while I'm eating.

"Oh gosh! Bakit mo inagaw pagkain ng bata!?" sambit ng babaeng kadarating lang.

Kaagad akong napatigil sa pagkain at inabot sa kanya ang natirang pagkain.

"Get that away from me!" Kaagad niyang tinabig ang tinapay na nasa kamay ko.

"Mom, she didn't steal my food. I give it to her mom so don't be mad."

"Let's go home baby you need to study hard so you don't be like her. That crazy ugly person." Marahas na umalis ang mag - ina sa harapan ko. Nakita ko namang kumaway ang bata sa akin sa hindi kalayuan.

Everyone says that I'm crazy but actually, I'm not crazy. Isa na lang akong palaboy sa daan na wala ng pamilya at walang nang matirahan. Inabanduna ako ng mga tunay kong magulang at iniwan ako sa harap ng isang bahay ampunan.

Minsan pa nga'y niloloko ako ng ilan sa mga bata sa bahay ampunan dahil sa aking pangalan.

Venus Vohrot Cya ang binigay na pangalan sa akin ng aking mga magulang kaya hindi na ako nagulat kung bakit nila kinukotsiya ang aking pangalan.

Nag - aral akong mabuti na magsulat at magbasa kahit na alam kong hindi kaya ng bahay ampunan na pag - aralin ang mga bata.

Kaya madalas din akong napagtitripan ng mga ibang bata dahil sa aking ginawa. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pag - aaral kahit na pinipilas nila ang mga papel na ginagamit ko sa pag - aaral.

Ilang taon ang lumipas at sa wakas nakapag - aral na rin ako. May kumupkop sa aking mag - asawa na hindi pa nagkakaanak. Nakapag - aral ako ng elementarya at apat na taon sa high school.

Hindi na ako nakapag - aral pa ng senior high school sapagkat ang mga taong sumusuporta sa akin ay iniwan na rin ako. Iniwan din nila ako matapos nilang magkaroon ng anak at lumipad sa ibang bansa.

I'm still hoping na babalik sila but they didn't.

Namasukan ako sa iba't ibang mga trabaho tulad ng waitress, janitor, kahit nga sa club nasubukan ko na ring magtrabaho para lang makaipon sa pag - aaral.

Halos hindi na nga rin ako kumakain sa pang - araw - araw. Halos kinakain ko lang ng palihim ang tira - tira ng mga costumer namin sa fast - food chain na pinagtatrabahuhan ko.

Hanggang sa may isang taong lumapit sa akin.

Sabi niya sa akin na pag - aaralin niya ako basta susundin ko raw ang gusto niya.

Kaagad naman akong pumayag sapagkat desperado na akong makapag - aral muli.

Pinagtrabaho niya ako sa isang modeling agency pero...

Laking gulat ko na lang ng isang gabi dinala niya ako kasama ng isang abogado sa isang motel.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa mga oras na 'yon.

"Miss, maghubad ka na." Malamig na sambit ng abogado.

"H - Ha? B - Bakit po?"

"Maghubad ka na lang, sayang naman malaking ibabayad ko sa'yo kung hindi mo susundin sinasabi ko sa'yo. Sundin mo na lang kung ayaw mong hindi makapag - aral."

Bigla akong kinilabutan sa sinasabi niya. Kaagad ko namang sinunod ang mga sinabi niya kahit na labag ito sa kalooban ko.

Sa gabing iyon, nawala ang dignidad at pagkababae ko.

Matapos ang pangyayaring iyon umiyak lang ako ng umiyak hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gusto kong tapusin na lang ang buhay ko sa sobrang kahihiyan na ginawa ko.

Pero...

Hindi lang isa o dalawang beses pa nangyari iyon. Halos gabi - gabi tinatawag ako ng aking boss para lang gawin ang bagay na 'yon.

Napuno ng takot at kilabot ang buong pagkatao ko.

Sinubukan kong tumakas subalit napipigilan nila ako.

Sa tuwing makikita nila akong tumatakas sinasaktan nila ako gamit ang kanilang pagkalalaki at hagupit ng sinturon, o ng kanilang mga palad at kamao.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sinubukan kong tumakas sa huling pagkakataon, hanggang sa makalaya na ako.

Pero, mas lalong naging mahirap para sa akin ang pagtakas sapagkat halos lahat ng makikita ko pakiramdam ko may gagawin silang masama sa akin.

Hindi ako baliw, sadyang nilamon lang ako ng takot, pangamba at depresyon.

Hindi ako baliw tao lang ako na biktima ng karahasan at kalunos - lunos na nakaraan.

LONG - SHORT STORIESWhere stories live. Discover now