Jessica.
Nakatira sa Lungsod Isla—isang isla na kalaunan naging lungsod. Ang bahay nila ay nasa hilaga limangdaang metrong layo, nakaharap mula sa Dalampasigan.
Dahil sa kung saan siya nakatira, hindi na nakapagtataka na mahilig itong lumangoy.
Alas kwatro ng Hapon, dating gawi. Sinisid niya ang pinakailalim na parte ng dalampasigan. Maganda itong lumangoy at mabilis. Pagkatapos ng ilang minuto, umahon na ito. Ngunit nasa kalagitnaan pa siya ng dalampasigan; may napansin siyang isang bagay na kumuha ng atensiyon niya.
Hindi umiilaw pero maliwanag. Hindi makinang pero parang tinutusok ang mata mo ng karayom sa sinag nito. Perlas na wala sa kabibi.
Walang kahiraphirap niya itong kinuha. Nang umahon ganoon pa rin walang nagbago. Magandang Perlas.
Pumasok sa kwarto.
Kumuha siya ng lalagyang gawa sa salamin. Nilagay niya ito dito at walang kurap na tinitigan.Nanatiling lihim ang mga nangyari. Hindi niya nanaisin na may iba pang makakita sa pambihirang bagay na ito.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...