UNANG ATAKE

0 1 0
                                    

Isang nilalang na maliwanag. Kasing hugis ng perlas ang ulo. Ang katawan nito ay pinagsamang katawan ng hipon at pugita. Ang bibig nito binubuo ng matatalas at bilugang ngipin. Dila na may matitinik na tulutuldok. Mga galamay na siyang dahilan ng kung bakit nakakapunta ito sa matataas na lugar. Buntot ng hipon na nakakasagap ng signal mula sa mga posibleng masamang mangyari.

Maruming-puti. Nananabik ng labis para kumain. Naglalaway kahit sa mga bagay na hindi aakalaing maaaring pagkain.

Nasa bibig pa nito ang leeg ni Kade na mabilis niyang nginunguya. Mga talsik ng dugo sa pader. Mga bakas ng dugo na unti-unti na nitong tinitilaan.

Mabilis ito kung gumalaw. Malagkit din kung tingnan ang mga galamay nito. Ang mga mata nito'y hindi mo pa tinititigan nakakapanindig balahibo na.

Mabilis itong gumapang pababa.

Nag-aalangan pang kumilos si Robert. Hindi niya alam kung susubukan niya itong labanan o susuko na lamang siya. Ilang segundong nakatulala.

-------

Mabuti't nakaahon din siya.

Pugita, hipon, perlas. Nakatakot, halimaw. Mga salitang bukambibig ni Robert.

Magkaranas ito ng trauma. Naging balisa at kalimitang nakatulala.

-------

Napagdesisyonan niya na ilihim na lamang ang nangyari. Ayaw din niya ng mga Medya. Hindi parin niya ito matanggap sa kaniyang sarili. Bagama't alam niyang maaari itong magsanhi ng suliranin kahit pa man nasa pinakailalim na parte ito ng dagat.

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon