PELHA

0 0 0
                                    

Hugis perlas ang ulo. Mga galamay ang nagsisilbing paa't kamay. Walong mata, apat sa harap, apat sa likod. Malaki ang bibig, bilugang ngipin sa loob at pawang nakabaliktad na sungay ng toro sa harap at itim na dila. Ang tainga ay pahaba. Ito ay may pahabang pattern ng tatlong kulay—itim, puti at berde.

Nasa anim na talampakan ang taas. Walong talampakan ang lapad.

Wala itong kasarian, iisa lang ang uri nito. Hindi ito matatawag na babae dahil walang isa pang uri na matatawag na lalaki. Ngunit, nangingitlog ito. Tatlo hanggang limang itlog ang nailalabas nito kada dalawampung taon. Imbis na mapisa, nag-iibang anyo ito. Mabagal ito kung magparami. Tinawag ang itlog na Pelsa—mula sa ipinangalan ni Jessica sa unang Pelsa.

Kumportable ito sa Dagat nang itlog pa. Pero kapag nagbagong anyo na sila, mas tatagal sila sa labas.

Kahawig ang dulo ng hipon, nagbibigay ng signal bilang babala sa mga kapahamakan sa paligid. Ang mga galamay nito naglalabas ng malagkit na bagay na tinatawag na Gloh. Nakakatulong ito upang maging matibay ang kaniyang hawak sa mga bagay-bagay at para mapabilis din ang kaniyang paggapang. Dila na may makamandag na lason, madaling mahimatay ang sinumang naisin niyang kagatin.

Ang paningin nito ay gaya lang din ng tao, hindi ganoon ka talas. Nadadama nito ang mga tao at iba pa niyang pagkain, dahil yan sa matitinik nitong balahibo sa balat. Ang dulo ng mga matitik o Kitat ay siyang gumagawa nito. Wala itong parte na nakakaamoy, sumakatuwid, hindi ito nakakaamoy. Malakas ang pandinig nito at maririnig nito ang sigaw mo kahit limang-daang metro ang layo mo sa kanya.

Ang nilalang na ito ay Pelha.

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon