Ang sanggol lumabas kahit hindi pa kabuwanan.
Nahimatay si Jessica ngunit sa kabutihang palad buhay pa rin ito.
Ang bata, maliit. Malakas ang iyak. Makapal na itim ang buhok. Isang batang babae.
------
May anak si Jessica. Dapat magpakatatag siya para sa kaniyang anak. Siya ay isa na ngayong Ina. Isang responsibilidad na dapat gampanan niya. Lalo pa't sanggol pa ang anak niya. Kaya kahit nahihirapan, nagpakatatag siya para sa kaniyang anak.
Jeca. Kakaibang pangalan. Ito ang ipinangalan sa kaniya ni Jessica. Kakaiba, katulad nang nakita kong perlas. Perlas, makinang na perlas, ang paghahalintulad.
Mabuti na lamang nandiyaan ang kapatid ni Jessica. Si Betty, biyuda at walang anak. Nagboluntaryo na siya na ang magsisilbing ama kay Jeca.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...