Ilang taon na ang lumipas. Marami nang nangyari. Nakapagtapos, nagkatrabaho, nagkanobyo, nagpakasal, at ngayon magkakapamilya. Lumilipas ang panahon. Habang tumatanda, bumibigat din ang responsibilidad.
Napagpasyahan niyang ibalik na sa dagat ang "perlas".
Iba na ang anyo ng "perlas". Iba sa kung ano ang anyo nito noong kinuha niya at ngayon na ibabalik na niya. Pinalutang niya muna ito at hinayang lumubog.
Kasalukuyan pa rin siyang nakatira sa parehong lugar kasama ang kaniyang asawa.
Ang asawa ni Jessica, si Kade. Isang taong tumutuklas ng mga kakaiba at pambihirang bagay.
Isang araw, bilang bahagi ng kaniyang trabaho, kinailangan niyang umalis. Naiwan sa bahay si Jessica na tatlong buwang nagdadalang-tao. Limang buwan pa bago makakabalik si Kade. Hindi man nais ni Kade na iwan si Jessica, pero bahagi ng trabaho niya ang malayo sa pamilya.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...