Sa dekadang paghahanap ng posibleng panglaban sa Pelha mula sa mga nasaliksik niya, nakagawa din siya ng natatangi.
Mula sa mga hindi pangkaraniwan at pambihirang mga kasangkapan.
Ang Alep.
ALAS—isang uri ng baril. Gawa sa koral at hindi sa metal—kung ikukumpara sa baril na pangkaraniwang ginagamit ng tao. Sing hulma nito ang pistol na baril. Higit na mas mabilis sa pangkaraniwang baril na ginagamit ng tao.
LASID—balang pinatigas at hinulmang pabilog.
ESID—dilaw na likidong itinuturok sa Lasid.
Pangsugpo sa PELHA.
Hindi magagawa ng Alep na tuluyang patayin ang Pelha. Gayunpaman, mapapatulog nito ito sa tinatayang walong oras. Ang Esid sa loob ng Lasid ang nakagagawa nito.
Ang Esid ang pinakamahalaga sa lahat ng Elemento ng Alep. Ito ang pinakapangunahing sangkap sa pagtalo sa Pelha. Ito talaga ang natuklasang pansamantalang pampakalma sa Pelha. Ngunit para mabigyan ang Pelha nito, kailangan ng ibang bagay na susuporta dito. Hindi posibleng ipainum 'to sa Pelha. Ang baril ang nagsilbing modelo para maisakatuparan ang layuning mabigyan ng Esid ang Pelha. Bunga nito ang Alas at Lasid. Sa kabuuan, nagawa ang Alep.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...