Tumawag si Robert kay Jessica para ibalita ang masamang nangyari. Hiniling niya din na ilihim na lamang ito para na din sa kaniya.
Noong una nag-aalinlangan pa itong sabihin ang totoo. Ngunit wala siyang magagawa, kahit alam niyang masasaktan si Jessica dapat malaman niya ang totoo.
Walo at kalahating buwang nagdadalang tao si Jessica.
Isang tawag mula sa telepono. Nagalak siya at inaasahan na niyang ito ay isang magandang pag-uusap sa kaniyang asawa.
Mahinahong boses. Malamig.
Sinabi ni Robert ang buong katotohanan.
"Hindi ko nakita ang pag-atake. Nakita ko na lang ang bunga ng pag-atake. Isang kakaibang nilalang ang kumitil sa buhay niya. Hindi kapanipaniwala pero, ito ang totoo........"
Nang marinig ang mga paliwanag ni Robert, hindi pa man ito opisyal na nagpapaalam, ibinaba na ni Jessica ang telepono.
"Kade." Ang una at natatanging salitang lumabas mula sa kaniyang bibig pagkatapos na ilulat ni Robert ang malagim na pangyayari.
Nanginginig at namumutla. Dahan-dahang lumakad pamunta sa sala at umupo. Nakatulala. Tatlong segundo. Sigaw at iyak.
Narinig ito ng kapatid niya na si Betty na papalabas pa lamang ng sasakyan na nakaeskedyul ding pumunta nang araw na iyon. Dali-dali itong pumasok.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...