PAUNANG PANANALIKSIK

1 0 0
                                    

Naging desperada si Jessica.

Nag-aral, hinananapan ng butas at sinundan ang bakas.

Gusto niyang malaman kung ano ang nilalang na kumitil sa buhay ng kaniyang asawa.

Gumawa siya ng lihim na pag-aaral, kasabay ng pag-aalaga sa kaniyang anak.

Mga modernong instrumento ng siyensya. Mga luma at bagong libro. Iba't ibang artikulo.

Araw at Gabi, tuwing may libreng oras. Walang pahinga, walang saya muna. Ang determinasyon at pagpapahalaga.

*******

Walang nakalap na pinakanauugnay sa pangyayari si Jessica sa kahit saang larangan ng impormasyon. Kailangan niyang maging mapagmatyag at matalino.

*******

Isang taon ang lumipas. Nagbunga din ang paghihirap niya.

Nagkaroon ng bakas ang nilalang. Ang mga "bakas" na ito ang naghatid sa kaniya sa tamang daan tungo sa kalutasan ng misteryo. Naginhawaan siya at mabuhayan.

Ang katotohan ay katotohanan. Ang nangyari ay nangyari na.

Mula sa paglalarawan ng kaibigan ng kaniyang asawa hanggang sa mga napulot niyang impormasyon. Napagtanto niyang ang halimaw na kumitil sa buhay ng kaniyang asawa ay bunga ng pagkuha niya sa "perlas" sa Dalampasigan.

Ang "perlas" ay hindi talaga perlas. Ito ay nagmula sa hindi pa nakilalang mikroorganismo. Tinawag niya lamang itong Pelsa. Magkaugnay ang mga markang iniwan ng "perlas" sa lalagyang salamin kung saan niya ito nilagay at mga padron o pattern sa mga galamay ng nilalang na halimaw batay sa inilahad ni Robert.

-----

Nakabuo din siya ng konklusyon. Nagbagong anyo ang Pelsa dahil masyado itong nakatanggap ng Carbon Dioxide mula sa labas mula nang iahon niya ito mula sa Dagat.

Nalungkot si Jessica. Ang namumukadkad na sana niyang buhay, sa isang saglit nalanta.

"Kung hindi ko lang 'yun ginalaw, buhay pa sana ang asawa ko ngayon."

Mga huling salita ni Jessica bago siya nagpakamatay.

Nag-iwan siya ng liham para sa sarili: Nararapat na hindi na ako mabuhay sa mundo.

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon