Si Jeca ay masiyahin. Hilig niya ang pagsasayaw at ang pagsali sa iba't ibang paligsahan ay pangkaraniwang gawain na lamang sa kaniya.
Dalawang taong gulang na batang walang muwang sa mundo. Nawalan ng Ina bago pa man sumapit ang ika-tatlong kaarawan. Napagpasyahan ni Betty na lumipat na ng lugar pagkatapos ng trahedya.
Ang mga dokumento ay nanatili sa lugar kung saan ito nabuo. Walang ibang nakakaalam nito, wala, kahit si Betty.
Si Betty na ngayon na aunti ni Jeca ang nagiging ama't ina kay Jeca.
Nanatili sa piling ng kaniyang Aunti na ngayon itinuturing na niyang Ina.
Hindi niya alam na hindi niya totong Ina si Betty. Ilang taon pa din siya noong nawala sa kaniya ang kaniyang ina kaya marahil hindi na niya ito maalala.
Si Betty ang Ina niya. 'Yan ang alam niya.
Sa pagkakaalam din niya, nag-iisa siyang anak at bunga siya hindi ng pagmamahalan ng dalawang tao. Isa siyang donasyon mula sa isang lalaki, ayon umano sa kagustuhan ng kaniyang ina na magbuntis at magkaanak.
Kakaiba at hindi sunod sa tradisyonal na pamilya ang kinalakihan niya. Gayunpaman, pinuno siya ng pagmamahal ng kaniyang ina-inahan.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...