Mabilis silang tumakbo sa parehong direksyon. Wala silang kahit na anong maaaring panlaban. Hindi nila pwedeng subukang harapin ang suliranin. Kahit pa man hindi pa dumadating ang suliraning ito, alam na nilang ito na ang kanilang kapalaran.
Kahit gaano nila subukang tumakbo ng mabilis, naabutan pa rin sila ng halimaw. Hindi nila madaig ang bilis ng nito. Maliksi at mabigat ang katawan.
Nahila ang binti ni Jeca. Kahit alam ng dalawa niyang kaibigan na sina Klyde at Rina ang kapahamakang kakambal ng tangkang pagligtas kay Jeca, ginawa pa rin nila ito. Imposible mang mangyari pero nagtulungan sila. Gamit ang pinagsamang lakas nina Klyde at Rina, nahila at nakawala si Jeca mula sa halimaw.
Wala nang talikuran. 'Wag nang lumingon. Kumaripas na lang sa pagtakbo.
Oras ng walang tigil at pahinga sa pagtakbo.
Sa wakas, isang lumang bahay.
Umupo sila sa balkonahe at unti-unti nang pumikit ang kanilang mga mata.
Sa haba ng kanilang tinakbo, nakapagpahinga din sila.

BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...