Mag-isang kumilos si Jeca. Natatakot pero alam niyang sapat na ang kaalaman at karanasan niya sa mga pinagdaan.
Bitbit ang dalawang armas, iba't ibang kagamitan at katatagan.
Naglakbay si Jeca at naghanap ng palatandaan at bakas.
Walang anoman sa buhangin. Alam niyang nag-iiwan ng bakas ang Pelha. Wala na siyang maisip na lugar kung saan maaaring namalagi ang Inang Pelha.
Sumisid siya sa ilalim ng karagatan at sinubukang humanap ng palatandaan. Ngunit bago siya sumisid siniguro niya muna na hindi siya mag-alanganin kaya gumawa siya ng patibong sakaling mahanap siya ng Pelha, saanmang lugar.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamasid nakakita siya ng kawangis ngunit hindi nabibilang sa mga perlas. Perlas na wala sa kabibe. Kagaya ng kung paano natukso ang ina niya dati ay ganoon din ang nangyayari sa kaniya ngayon. Ngunit bago pa man ito dumikit sa balat ng dulo ng kaniyang darili, isang mabigat na lakas ang kaniyang naramdaman. Hindi niya nakita pero alam na niyang ang Inang Pelha na iyon.
Umahon siya pataas. Nakatingin siya sa direksyon kung saan siya aahon. Yumuko siya at tumingin sa ibaba. Nakita niya at hinahabol na siya ng isang Pelha na halos doble ang laki sa mga nahuli nila.
Matagumpay siyang nakaahon.
Ang Inang Pelha ay higit na mas mabagal kumpara sa mga anak nito; sa bigat ng kaniyang katawan hindi siya gaanong kabilis gumalaw.
Kinuha ni Jeca ang Alep. Binaril niya ito, pero hindi ito natatablan. Marahil hindi sapat ang Esid sa laki ng Pelha.
Nahulog sa patibong ni Jeca ang Pelha kaya hindi na ito nakakagalaw pero hindi magtatagal masisira din ito dahil malakas ang Pelha.
Hindi sapat na sunod-sunod niyang pinaputukan ang Inang Pelha. Naisip niyang paputukan ng dalawang Alep ng sabay nang sa ganoon sumapat na kailangang halaga ng Esid upang mapatulog ang Pelha.
Epektibo ito at napatulog niya ang Pelha.
Bumalik siya sa ilalim ng dagat at kinuha ang mga panibagong mga itlog ng Pelha. Isinilid sa garapon. Plano niyang ibigay ito sa mga eksperto para mapag-aralan at maibigay kung ano ang nararapat para dito.

BINABASA MO ANG
PELHA
AksiAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...